^

Pang Movies

Aksidente sa first taping day Erich sumemplang at tumilapon sa sidecar!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Naaksidente pala si Erich Gonzales sa first ta­ping day ng kanilang first lead series together ng Brazilian boyfriend na si Daniel Matsunaga, ang Be My Lady.

Kinunan ang eksena out of town. And suppo­sedly, riding in a motor with a side car si Erich.

Dapat, dahan-dahan muna ang pagpapatakbo ni Erich sa motor. At saka niya ito pabibilisan.

Obviously, in her excitement, napabilis lubha ang pagpapatakbo niya sa motor. Kaya, bigla itong sumemplang. Sabay pagtilapon ni Erich.

Kahit nabigla, napatakbong bigla ang mga in-charge sa taping. Ganunpaman, may bibilis pa ba kay Daniel sa pagsaklolo kay Erich?

Dali-dali niyang ikinarga sa kotse ni Erich at kasabay ng isang taga-production, itinakbo nilang bigla ang aktres sa pinakamalapit na ospital.

Mabuti na lamang daw at galos lang ang natamo ni Erich.

Kaye, Patrick, at Jason, nganga pa rin after Two Wives

Isn’t it ironic, Salve A., na bukod kina Erich at Daniel, all of the other stars in their previous series, Two Wives, ay pawang wala pang projects, namely Kaye Abad, Patrick Garcia at Jason Abalos.

Mabuti na lamang at kapapanalo ni Kaye ng tumataginting na P1-M sa game show na Deal or No Deal.

But the prize will have to be divided between Kaye at Nikki Valdez, since magkasama sila sa nabanggit na episode ng Deal or No Deal.

Kakakasal lang ni Patrick. Si Jason naman ay may pinagkakaabalahang restaurant na pag-aari niya at ng ilang kaibigan, na kabubukas lang.

Mark nagbakasali uli sa London

Sa London pala nagpalipas ng kanyang recent birthday si Mark Bautista. Habang nando’n siya ay nagkataon na may audition para sa new season ng Miss Saigon, at siya nga ay nagbakasakali.

Hindi binanggit ni Mark exactly kung anong role for a male lead sa Miss Saigon ang kanyang pinupuntirya. Any role obviously, he thinks will do.

But special, siyempre, if mapili siya for the role of the engineer, na matagal ding ginampanan ni Leo Valdez sa Miss Saigon.

In the last season of Miss Saigon, Rachelle Ann Go, dating fellow Viva Entertainment talent ni Mark, played the important role of Gigi.

Mark himself had the chance na makapag-portray ng lead role sa isang Broadway play, titled Here Lies Love, where he was cast as the late President Ferdinand Marcos.

Dalawa ang pinagkakaabalahan na local plays ni Mark, ang South Pacific at Bituing Walang Ningning.

Heart tikom pa rin ang bibig sa kandidatura ng asawang si Sen. Chiz

Unless siguro kumpirmado ngang tatakbo bilang Vice President to Senator Grace Poe, who also has to announce formally na tatakbo nga siya for President in the next elections, si Senator Chiz Escudero, hindi natin mariringgan ng comment si Heart Evangelista. That is, if she will slow down on her work bilang artista, para matulungan niya ang mister sa pangangampanya.

Right now, busy si Heart with the series, Beautiful Strangers, bukod sa binibigyan pa rin niya ang sariling i-continue ang pagiging artista at painter ng mga designer bags.

Playing full-time Mom pa din si Heart sa pag-aalaga sa kambal ni Senator Chiz, sina Cecilia at Joaquin, sa unang asawang si Tintin Flores.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BE MY LADY.

ERICH

LEFT

MISS SAIGON

NO DEAL

QUOT

STRONG

TWO WIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with