^

Pang Movies

Julia kayod-marino para ‘di maiwanan sa pansitan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kayod-marino ang young actress na si Julia Montes upang hindi mapag-iwanan ng Kapamilya teen stars na namamayagpag ngayon gaya nina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, at Liza Soberano. Eh, matagal man siyang naghintay ng bagong teleserye, worth it naman ‘yon dahil dual role siya sa Doble Kara na mapapanood sa Kapamilya Gold at hindi na kailangan ng ka-loveteam upang magtagumpay bilang Royal Drama Princess ngayon.

Handa naman si Julia sa comparison nila ni Kathryn Bernardo na Teen Queen naman ang tawag na dating kasabayan sa remake ng Mara Clara.

Masaya naman daw ang dalaga sa kung anuman ang naabot ni Kathryn ngayon. Thankful din siya dahil hindi niya inaasahang mabigyan ng kakaibang role.

Kinakabahan daw ngayon si Julia dahil sa ibinigay sa kanyang titulo. Napi-pressure raw siya na maging Royal Drama Princess.

Kabado rin ang Royal Drama Princess sa pagdadala ng buong show lalo na nga’t hindi na si Coco Martin kundi sina Edgar Allan Guzman at baguhang si Anjo Damiles ang kapareha niya.

“Siyempre po, ‘pag sa amin po ni Coco, ‘pag kaeksena mo na po siya, automatic na nag-a-adlib na lang kami. Ganoon na kami kakumportable. Ngayon po, siyempre sa mga baguhan, kinakapa ko pa po!

“Pero happy po ako sa team namin. Ang gagaling po nila so sa kanila po ako humuhugot more than ako po ‘yung nagbibigay. It’s a group effort po!” rason pa ng aktres

Teka, tapos na ba ‘yung bahay na balitang pinagagawa ni Coco?

“Opo! Tapos na po,” bantulot na sagot ni Julia.

Kaninong pera ang ginastos niya sa pagpapagawa?

“Pera ko po!” kiming sabi ng Royal Drama Princess.

Kasama ni Julia sa cast sina Carmina Villaroel, Mylene Dizon, Allen Dizon, Patricia Javier, John Lapus at iba pa.

Carmina nagkatotoo ang hiling kay Julia

Nasabay sa presscon ng Doble Kara ang birthday ni Carmina Villaroel na binigyan ng stemmed roses. Pero ayon sa manager niyoang si Dolor Guevarra, nagkaroon na sila ng dinner ng pamilya niya the night before her birthday.

Eh, magandang birthday gift kay Mina ang bagong teleserye na Doble Kara. Winish lang daw niyang makatrabaho ang Royal Drama Princess sa kanyang post sa Instagram account at nagkatotoo naman ‘yon.

Kahit nga isang araw pa lang siya nakakapag-taping ni Julia, nakitaan niya agad ng kabaitan ang young actress.

“Saka magaling siyang umarte!” pagmamalaki ni Mina.

Nilamon ng hiyawan ng audience Angeline hirap sa pagbirit sa concert nila ni Erik!

Puno naman daw ang Araneta Coliseum sa concert nina Erik Santos at Angeline Quinto last Sa­turday.

‘Yun nga lang, problemado si Angeline na palakasin ang boses sa malaking venue gaya ng Araneta Coliseum, huh! Hirap na hirap daw siyang bumirit ayon sa ilang nakapanood!

Si Erik, sanay palakasin ang boses na akma sa malaking venue. Kaya buhay na buhay ito at hindi nilalamon ng sigaw ng tao hindi gaya ni Angeline na halos hindi na marinig sa hirap sa pagkanta!

 

vuukle comment

ACIRC

ALLEN DIZON

ANG

ANGELINE QUINTO

ANJO DAMILES

ARANETA COLISEUM

CARMINA VILLAROEL

DOBLE KARA

DRAMA PRINCESS

JULIA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with