^

Pang Movies

Hunk na galing sa reality show na alaga ng matrona, nagka-career na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na pala nagpapakita ang reality show hunk na ito sa kanyang dating sugar mommy na isang matrona dahil malaki na ang kinikita nito mula sa kanyang bagong career.

Matagal din naging boy toy ng matrona ang reality show hunk bago ito sumali sa isang show na kahit papaano ay nakilala siya ng marami.

Kilala ng source namin kung sino ang matrona na nahumaling sa maturing hunk noong fresh na fresh pa ito. Nagkakilala raw sila sa isang gym kung saan nagwu-workout din ito at kinuha niya bilang personal trainer.

“Doon na raw nagsimula ang lahat. Dahil bagets pa at wala namang pinagkakakitaan si hunk, ayun pinatos niya ang matrona na nalokah sa performance niya.

“Simula noon ay si matrona na ang nagbibigay ng allowance kay hunk. Hanggang sa bigyan na niya ito ng extension credit card at sarili nitong sasakyan.

“Basta ang hiling lang ni matrona ay paligayahin siya kapag magkasama sila.”

Hanggang sa may maka-discover kay hunk at pinilit siyang sumali sa isang reality show. Noong matapos ang show, nagsunud-sunod ang trabaho ni hunk at nawalan na siya ng oras kay matrona.

“Dati raw ay every other day nasa bahay ni matrona si hunk. Tapos na­ging twice a week na lang. Hanggang sa naging once a week na lang. Ang ending hindi na nakakapunta si hunk at hanggang text or video chat na lang sila.

“Tanggap naman ni matrona na naagaw na ng showbiz ang boy toy niya. Happy siya dahil makakahanap na siya ng bago ulit. Pero feeling niya ay walang makakapares sa ligaya na binigay sa kanya ng dating boy toy hunk niya,” pagtapos pa ng source namin.

Janine pahinga muna, hindi binibigyan ng trabaho ng GMA

Habang naghihintay ng bagong pagbibidahan na teleserye ang Kapuso star na si Janine Gutierrez, nabigyan naman siya ng special recognition bilang Youth Advocate by the National Youth Commission (NYC) sa kakaganap lamang na 1st Youth Leading Others (YoLO) Awards sa Skydome of SM North EDSA last August 12.

Isa si Janine sa napiling youth ambassadors dahil sa maraming kabataan na nai-inspire niya.

Natuwa nga ang anak ng ‘80s teen stars na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher dahil sa pagkakapili kay Janine bilang youth ambassador.

“It’s an honor and a challenge to become the new ambassador of NYC. To be considered as a role model for young people is a big challenge for me and I hope that I will be able live up to that challenge.     

“At the same time, I am also an ambassador of what the youth needs today and what they want to achieve in our society.

“I hope that I can be an example to all young people and I can be their voice in our society” diin pa ni Janine Gutierrez.

Khloe kinumpronta si Caitlyn Jenner para ipagtanggol ang ina

Hindi nanahimik si Khloe Kardashian sa mga naging paratang ng kanyang stepfather-turned-transgender na si Caitlyn Jenner laban sa kanyang ina na si Kris Jenner.

Sa isang episode ng I Am Cait, kinumpronta ni Khloe si Caitlyn dahil sa mga naging negative comments nito sa ina nila ni Kim, Kourtney, Rob, Kendall, at Kylie Kardashian.

Nagsama bilang mag-asawa sina Kris at Caitlyn noong Bruce Jenner pa ito for 22 years.

Inamin ni Khloe na since 8-years-old ay nakasama na nila si Bruce dahil divorced na si Kris sa ama nilang si Robert Kardashian. Kaya itinuring na nila itong pangalawang ama.

Pero ang may sabihing hindi maganda si Caitlyn sa kanilang ina ay hindi raw fair para sa kanilang magkakapatid.

“We don’t care what you’re doing. Meaning we don’t care if you want to transition. We want to support you and be there for you.

“But, we don’t think that, that entails you speaking negatively about my mom.

“In our opinion, you don’t even need to mention my mom... let’s not drag my mom through the mud,” diretsang pahayag ni Khloe kay Caitlyn Jenner.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CAITLYN

CAITLYN JENNER

HANGGANG

HUNK

JANINE

JANINE GUTIERREZ

KHLOE

MATRONA

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with