^

Pang Movies

Willie nagtatapon ng P12-M kada linggo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa muling pakikipag-usap ni Willie Revillame sa GMA-7 para sa kanyang Sunday game-variety show na Wowo­win, masaya siya dahil mas maganda ang ini-offer nila sa kanya.  Sabi pa ng TV host, hindi lamang binabaan ang presyo ng airtime niya, kundi halos iniregalo na sa kanya.  Bago na rin ang timeslot niya, from 2:00 to 3:15 p.m.

 “Labis ang pasasalamat ko sa GMA Network dahil back-to-back na ang show namin sa bagong Sunday show nila, ang Sunday PinaSaya na may hahanapin ka pa ba, eh nandoon sina Come­dy Queen AiAi delas Alas, Si Primetime Queen Ma­rian Rivera, ang comic duo nina Jose Manalo at Wally Bayola, sina Barbie Forteza, Valeen Montenegro, comic actors Jerald Napoles, Joey Paras, Julie Anne San Jose at Alden Richards,

“Papasok kami after them. May mga bago na kaming ginawa sa segments ng show na lalong magpapasaya sa mga manonood.” paha­yag ni Willie. 

May dalawang segments ang show, ang Bigyan Ng Jacket Yan at ang Willie of Fortune na ang mananalo ay tutuloy sa The Will To Win na magkakaroon ng chance na manalo ng one million pesos, or a brand new car or a house and lot.

 “Thankful ako na naintindihan ako ng management, na malaki na ang nalugi sa akin.  Noong pilot episode namin, umubos kami ng 13 million, every Sunday 12 million ang nagagastos ko.  Okey lamang sa akin kahit break-even lamang ang kinikita ng show, salamat sa mga sponsors ko, na hindi nila ako iniwanan simula pa noon, hanggang ngayon.  Hindi na mahalaga sa akin ang nauubos kong pera, gusto ko lamang magpasaya ng mga tao.  Pero isa lamang ang request ko sa GMA, sana bigyan nila ako ng timeslot everyday, bago ang 24 Oras.  Iyon na ang talagang magiging happiness ko, dahil mas marami akong mapapasayang tao at sana ay maibigay nila iyon sa akin.”

katomboyan at kabaklaan, ititigil na!

Final episode na tonight ng groundbreaking series na The Rich Man’s Daughter ng GMA-7 na mapapanood pagkatapos ng isa pa ring magwawakas na drama series, ang Let The Love Begin. Ano kaya ang magiging finale ng story na dinirek ni Dominic Zapata?

Si Rhian Ramos as Jade, natutunan niyang tanggapin kung sino siya at mahalin ang sarili niya, marami siyang natutunan tungkol sa love.  Si Glaiza de Castro as Althea ay natu­tunan pumili ng right choices and decisions at tanggapin na hindi sa lahat ng oras magi­ging maganda ang kalalabasan nito.  Si Luis Alandy as David ay tinanggap ang real essence ng story na maging totoo lagi dahil truth will set you free.

Ang aabangan ngayong gabi, kung tuluyan nang kalilimutan ni Jade si Althea kahit nagkita silang muli at maging tunay na asawa na lamang kay David na sa kabila ng pagiging lesbian ni Jade ay pinakasalan pa rin niya. At si Althea, tatanggapin na ba niyang dapat na niyang kalimutan si Jade at asikasuhin na lamang ang anak niyang ipinaglaban niya kahit marami siyang pinagdaanang hirap laban kay Oscar (Al Tantay) at Tommy (Paulo Contis)?

vuukle comment

ACIRC

AL TANTAY

ALDEN RICHARDS

ANG

BARBIE FORTEZA

BIGYAN NG JACKET YAN

DOMINIC ZAPATA

JERALD NAPOLES

JOEY PARAS

JOSE MANALO

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with