Alex ayaw munang mag-lovelife
MANILA, Philippines – Sa April 25, 2015 naman magkakaroon ng kauna-unahang concert si Alex Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum na may tilulong Unexpected Concert to directed by Joed Soriano.
Bakit unexpected? “Kasi hindi ko pa inaasahan na mangyayari ito sa akin, na ganito kadali. Parang dream come true na hindi talaga inaasahan.”
May talent sa hosting si Alex. Katunayan, bahagi siya ng The Voice of the Philippines kasama sina Robi Domingo, Toni Gonzaga at Luis Manzano. Kumanta na siya rito at marami ang humahanga sa kanyang singing voice.
Pero mas kilala siya sa pagiging komedyante kaya inaasahan sa concert niya ang kanyang pagpapatawa. “Life is too short kaya kailangan, lagi tayong masaya. Saka ayoko ng nalulungkot. Baka tumanda lang ako agad.”
At twenty-seven years old, marami na siyang manliligaw. Isa sa hanga sa beauty niya si Arjo Atayde, na anak ni Sylvia Sanchez. Pero sabi ni Alex: “Ayoko muna ng lovelife. Gusto ko mag-concentrate sa aking career.”
Isa si Alex sa segment host ng ASAP 20’s Videoke Challenge, kung saan mga celebrities ang kakanta sa Karaoke.
Last year, bida si Alex sa remake ng Koreanovela, Pure Love. Pero abangan natin ang Inday Bote kung saan siya rin ang bida. Matalbugan kaya niya si Maricel Soriano na unang nagbida rito noon sa pelikula?
Sabi ni Alex, sariling version niya ng Inday Bote ang gagawin niya. “Mahirap mapantayan si Ms. Maricel,” sabi niya.
- Latest