^

Pang Movies

Marami raw umaali-aligid AiAi namumroblema na sa bagets na dyowa?!

Joe Barramaeda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa man nagtatagal ay totoo kaya ang nakuha naming balita na may problema na agad sa lovelife ni AiAi delas Alas sa current boyfriend niyang si Ge­rald Sibayan? Dahil bagets na bagets pa si Gerald ay may mga umaaligid daw dito na kaedad niya. Kaya kinokompronta raw ng Comedy Queen ang boyfriend at todo-deny naman daw ang huli na mga kaibigan lang daw sa Facebook ang mga ito.

Dapat handa si AiAi sa mga senaryong gani­to, since bagets ang karelasyon niya at gaya ng kahit sinong lalaki ay gustong tumikim ng iba kung makalulusot. Hirap din naman siguro na laging nakabakod ang ba­bae sa lalaki unless baliw na baliw ito. Siguro puwede kung maibibigay ng karelasyon ang lahat para wala na itong lakas at maghanap pa ng iba. Talbog !!!

Ate Vi gustong ipa-restore lahat ng pelikula

Kung hindi pa ni-restore ng ABS-CBN Film Archives ang pelikulang Bata Bata Paano Ka Ginawa ay hindi na namin ito mapapanood. Napakaganda ng pelikula at ang gagaling ng mga artista sa pangunguna ni Governor Vilma Santos. Parang sa totoong buhay ni Ate Vi ang story na nagkaroon ng dalawang anak sa magkaibang ama na napakalaki ng tama at maipagmamalaki niya.
Sa gabing napanood namin ay tatlong pelikula ni Ate Vi ang ipinalabas sa UP Film Center sa tulong ng UP at ABS-CBN Film Archives. Ito ay ang Anak, Kapag Langit Ang Humatol, at ang Bata Bata Paano Ka Ginawa. 

Dumating si Governor Vi ka­sama ang mga staff from the Batangas Provincial Capitol at sa ABS-CBN/Star Cinema na sina Malou Santos, Chit Guerrero, Chito Roño, at ilang directors na naging director ni Ate Vi. Siyempre full force ang Vilmanians.   

Anim na raw ang na-restore na pelikula ni Ate Vi. Sagot naman niya na bakit hindi gawing 15 films ang i-restore. Talbog !!!

Kuya Germs malapit na uling magbalik-trabaho

Mukhang totoo na malapit nang bumalik sa Walang Tulugan with the Master Showman after ma-confirm namin na nakakalabas at nakakapamas­yal na si Kuya Germs. Lumalabas daw si Kuya Germs at namamasyal kasama ang ilang trusted staff at nurse nito. Siyempre, kailangan siyang alalayan at hindi pa naman siya ma­lakas gaya ng dati. Malaking bagay rin ang pamamasyal nito para madali itong makabalik sa normal ang kalusugan niya at malibang na rin.

Sigurado kaming matutuwa ang mga batang naitsapu­wera sa Walang Tulugan nang biglang mag­kasakit ang mentor nila. Umaasa silang ma­kakabalik muli sila sa programa once bumalik na rin sa show si Kuya Germs. Pero kung ma­kabalik man si Kuya Germs, sigurado kaming limitado lang ang galaw niya roon at bawal na bawal ang stress dito. Tama lang na ‘yung may mga K at ma­kakatulong sa show ang ma-retain. Bawal na ang mga pasaway at sakit lang sa ulo. So far, okay naman ang programa sa tulong ng mga naiwan sa show ngayon na tuluy-tuloy na mapapanood sa GMA-7 tuwing Sa­bado ng gabi.                                

 

vuukle comment

ATE VI

BATA BATA PAANO KA GINAWA

BATANGAS PROVINCIAL CAPITOL

FILM ARCHIVES

KUYA GERMS

SHY

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with