^

Pang Movies

Sarah hindi pa iniisip ang kasal kay Richard!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Matagal-tagal ding napahinga si Sarah Labhati sa pag-arte kaya medyo nanibago raw siya nang magsimula siyang mag-shooting ng Liwanag sa Dilim ng APT Entertainment, a horror film directed by Richard Somes. 

“Hindi na ako sanay mapuyat,” nakangiting wika ni Sarah sa grand presscon ng movie. “Nasanay na kasi akong gumising ng 6:00 or 7:00 a.m. araw-araw dahil at 8:00 p.m. tulog na kami ni Zion. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas unless kailangan, talagang nasa bahay lamang ako with Richard (Gutierrez) and Zion. Kaya pagdating ng 9:00 p.m. sa set, may antok factor na ako pero three cups of coffee, kayang-kaya ko pa ring mag-shooting ng mahihirap na eksena. Nakakadala rin kasi ang energy nitong mga bagets na kasama ko, sina Bea Binene, Jake Vargas, Igi Boy Flores kaya go lang ako kahit ano ang ipagawa sa amin ni Direk Richard. Pero minsan, inabot kami talaga ng umaga sa shooting, dumating ako ng bahay, gising na si Zion kaya hindi na muna ako natutulog, inasikaso ko na siya. Nasanay na rin kasi si Zion na ako ang nagpapakain sa kanya.”

May mga limitations ba si Richard sa kanya?

“Wala, wala naman. Basta alam niyang happy ako sa ginagawa ko, wala siyang sinasabi. Saka dito sa movie, I will be playing the role of Minerva, a mysterious woman na siyang pinaghihinalaan na siyang gumagawa ng mga kababalaghan sa lugar. So far, para sa akin ito na ang pinakamalaking role na nagampanan ko simula nang bumalik ako sa big screen. Ibang experience ito para sa akin, grabe ang special effects.”

Hindi itinanggi ni Sarah na napag-uusapan na rin nila ni Richard ang pagpapakasal kung minsan, pero gusto nilang maayos muna ang problema nila sa kani-kanilang parents. At baka this year daw, puwedeng sundan na muna nila si Zion who will turn two years old na sa April, 2015. Hindi raw problema kung kailan sila magpapakasal ni Richard dahil simula pa lamang nang ma­ging silang dalawa na, alam nilang they wanted to spend the rest of their lives with each other, tulad na rin ng mga kumpare at kumare nilang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Hindi man daw sila nakapunta sa kasal dahil naipit sila nang walang biyahe pabalik sa Manila from Cebu dahil may bagyo, happy sila ni Richard dahil nakita nila ang happiness ni Marian at naibigay sa kanya ni Dingdong ang dream wedding na gusto nito.

Balitang magiging co-host siya ni Dingdong sa artista search na pinanalunan niya, sa StarStruck 6. May naririnig nga raw siya, pero hindi pa siya sure dahil wala pa namang official offer from GMA Network. As to a new soap, naghihintay pa siya kung ano ang ibibigay sa kanya. But every Sunday, she is one of the hosts and performers sa Sunday All Stars.

Valentine’s Day presentation ang Liwanag sa Dilim sa February 11 in cinemas nationwide  at sa February 8 ang kanilang premiere night sa SM Megamall Cinema 6.

Nanay ni Heart bumalik na ng bansa, aattend na raw ng kasal nila ni Chiz

May sightings daw ni Heart Evangelista and her mom na magkasamang nagsa-shopping. Meaning, narito na ang mommy niya sa Pilipinas at nagkaayos na raw sila talaga. Kaya balitang a-attend na ng wedding nila ni Senator Chiz Escudero ang family ni Heart sa Balesin on February 15.

vuukle comment

AKO

BEA BINENE

CHIZ ESCUDERO

DILIM

DINGDONG DANTES

DIREK RICHARD

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with