^

Pang Movies

Male celebrity na may tahimik na image, daig pa ang beki kung makapangtsismis ng mga kapwa artista

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Turned off nga ang ilang staff ng isang TV show dahil sa pagiging tsismoso ng male celebrity na katrabaho nila.

Nagtataka nga sila dahil kalalaki nitong tao pero ang dami raw nitong tsismis na tsinitsika sa kanila. 

May tsismis nga raw ito tungkol sa isang hunk actor at nagtsismis din ito sa isang dating naka-loveteam niya.

“Nagulat naman kami sa lalaking ‘yan. Akala namin tahimik lang, ‘yun pala tsismoso.

“Kapag naka-break ‘yan sa taping, super-tsika ng kung anu-ano sa mga kausap niya.

“At hindi lang basta tsika, kundi tsismis talaga. Kung may reporter lang na nasa tabi niya, naku, ang dami nitong masasagap na mga off-the-record na tsika ng lalaking ‘yan,” sey pa ng source namin.

Tuloy nakaka-turn off ang inaasal ng male celebrity. Magaling lang pala siyang magtago ng tunay niyang ugali dahil lahat pala ng mga nangyayari sa paligid niya ay tsinitsismis niya.

“May pakiramdam na nga kami na baka beki itong si male celebrity.

“Kasi may tunay na lalaki bang kung makapagdaldal, eh talo pa ang mga tunay na tsismoso’t tsismosa?

“At kung magtsika siya, talagang sure siya. As in, confirmed ang mga kuwento niya.

“Kaya may naaamoy na kami sa lalaking ‘yan. Baka nga beki ito na nagpapanggap lang,” tawa pa ng source namin.

Gusto nga nilang pagsabihan ang male celebrity na huwag itong masyadong madaldal sa mga nalalaman niya dahil baka makarating ang mga tsika nito sa ibang tao at baka mapahamak pa siya.

“Mamaya sugurin siya ng hunk actor na tsinitsismis niya at magsuntukan sila. Iba na ang nagagawa ng mga tsismis ngayon sa social media. Mabilis na kumalat kaya ingat lang ang lalaking ‘yan sa matabil niyang dila,” ending pa ng source namin.

Rocco nakipagtikiman uli sa ex

Huwag naman sanang maging simula ng pag-aaway ng magsyotang Lovi Poe at Rocco Nacino ang naganap na kissing scene at love scene ni Rocco kasama ang ex-girlfriend nitong si Sheena Halili.

Nangyari nga ang eksenang ito sa GMA primetime teleserye na Hiram Na Alaala kung saan mu­ling nagbalik ang character ni Sheena bilang Yasmin at buntis ito.

Sa totoo lang, gusto naming makita ang magiging reaksyon ni Lovi sa eksenang ito kung sakaling panoorin niya ito.

Hollywood film director na si Peter Jackson nakakuha na ng star sa Hollywood Walk of Fame

Nabigyan na nga ng sarili niyang star sa Hollywood Walk of Fame ang Oscar-winning film director and producer na si Peter Jackson.

Nakilala si Jackson dahil sa kanyang epic trilogy film na The Lord of the Rings and The Hobbit.

Kasama ni Jackson sa unveiling ng kanyang star ang buong cast and crew ng The Hobbit: The Battle of the Five Armies.

Present ang kanyang mga actors mula sa The Lord of the Rings trilogy na sila Elijah Wood, Orlando Bloom, Andy Serkis, Richard Armitage, Lee Pace, and Evangeline Lilly para masaksihan ang parangal na ito sa kanilang director.

“You really are one of the greatest filmmakers on the planet,” sey pa ni Serkis na gumanap bilang si Gollum sa The Lords of the Rings trilogy.       

Ang star nga ni Jackson ay nasa sidewalk ng Dolby Theatre kung saan ginaganap ang taunang Academy Awards.

Nanalo si Jackson ng Oscar best director trophy noong 2004 para sa The Lord of the Rings: Return of the King. Siya rin ang nagdirek at nag-produce ng mga critically-acclaimed hits na King Kong, The Frighteners, Lovely Bones, at Heavenly Creatures.

vuukle comment

ACADEMY AWARDS

HOLLYWOOD WALK OF FAME

LORD OF THE RINGS

NIYA

PETER JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with