^

Pang Movies

Tanggap na hindi puwedeng sabay-sabay ang biyaya Kris hindi ipinagdarasal ang lovelife!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pumalakpak ang tenga ni Kris Aquino nang sabihan siya ng press na maganda at fresh sa presscon ng festival movie nila ni Coco Martin na Feng Shui 2.

“Ay gusto ko ‘yan! Dagdagan ko ang pa-raffle ko! Ha! Ha! Ha!” bunghalit ni Kris.

Malaking factor ang pahayag ni Coco sa presscon ng Juan dela Cruz na gusto niyang gumawa ng horror movie upang mabuo ang bagong istorya ng box-office movie ten years ago. Eh para sa aktor, ang all time favorite niyang horror movie ay Feng Shui kaya pasok din siya sa kuwento.

“Nabalitaan ko lahat ‘yun and I called Biboy (Arboleda, Coco’s manager). ‘Biboy, was he serious or pang-promo lang ‘yon?’ Kasi parang maganda ang timing because it will show ten years after the first. Tinawagan ko si direk (Chito Roño). Katika­tera lang ako knowing na hindi ako ang may-ari ng rights. “So direk, what do you think? Shall we do this?’” kuwento pa ng Queen of All Media.

Wala raw silang romantic involvement ni Coco sa movie. Magkikita sila sa movie ng aktor after ng one third ng movie.

“Surprise dapat ‘yon!” sabi ni Direk Chito.

“Eh, nasabi ko na! Ha! Ha! Ha! Journey muna ng kuwento niya bago ninyo matuklasan kung ano ang nagkukunek sa aming dalawa,” sambit ng host-actress.

Hindi pa tapos ang shooting ng movie kaya nga nagmulta na sila sa MMFF. Kaya may shooting sila ngayon upang lumabas nang maaga sa movie si Kris. In fact, hinimok ni Kris sina Coco at Direk Chito upang sumosyo sa kanya sa share ng K Productions sa Star Cinema.

“’Yung dalawa, ganoon kabilib sa project. I am co-producing it with Star Cinema. So co-production share ko, bumakas sila sa share ko. So lahat kami, naglabas kami ng hard-earned money namin!

“Kaming tatlo bale nagbakas actually sa K Productions. Stake holders kaming tatlo!” saad niya.

Hindi lang naman sa horror films interesado si Kris. Tinanong din siya ni Malou Santos ng Star Cinema kung feel niyang gumawa ng drama.

“At my core, I am a mother. So kung ‘yung role to be the mom of Kathniel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla), to be the mom of Enrique (Gil) or to be the mom of Kim Chiu, I’d love to do it!

“Pero kung ilalayo mo ako sa talagang my core, ayoko! It will not be effective!” katwiran niya.

Sa presscon ni Vice Ganda, binisto siyang nakikialam sa anak na si Bimby Yap na kasama sa movie ng komedyante. Hindi naman itinanggi ng host-actress ang pahayag ng kaibigan.

“No, he’s correct! Ha! Ha! Ha! Umaamin naman talaga ako na stage mother! I only miss…Sa shooting days niya, tatlo lang ang na-miss kong araw because on those days nagsu-shoot ako!

“Pero as much as possible talaga, inayos nila ang schedule na I could be there. So, yes, I really am a stage mother and yes, nakialam talaga ako!” diin ni Kris.

Kumusta naman si Coco bilang co-actor?

“He’s the best! Tinext ko ‘yon sa kanya. ‘Thank you for sharing your brilliance with me!’ Hindi ko na kailangang dagdagan. Sobrang galing niya talaga! Magaling na hindi nagyayabang pero ‘yung ga­ling niya na nagsi-seep out from all his pores! Taray, ‘no? Ha! Ha! Ha!

“I mean…Ego less. Ganoon siya kahusay!” deklara ng Reyna ng Talk Show.

Kung meron pa siyang hihinging suwerte sa bagwa na gamit ng Chinese bilang good luck, ano kaya ‘yon?

“Wala na akong mahihiling pa! kasi hindi raw puwedeng ibigay ang lahat sa ‘yo nang sabay-sabay!

“So alam ninyo lahat kung ano ang kulang sa buhay ko. Ano pa? Obvious ba? Hindi ko na kailangang ipagsigawan ‘yon!

“Kung hindi talaga panahon ngayon, okey lang. Darating din naman ang time na hindi na ganito ang trabaho ko. Baka puwede na at doon na ang panahon ng pag-ibig!” katwiran ni Kris.

vuukle comment

BIBOY

BIMBY YAP

CHITO RO

DIREK CHITO

FENG SHUI

K PRODUCTIONS

MOVIE

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with