^

Pang Movies

News program ginawang katatawanan ang headline sa pinatay na kandidata ng Honduras

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakakaloka naman ang headline ng isang local news program tungkol sa pinaslang na beauty queen na si Maria Jose Alvarado, ang Miss World Honduras.

Nakakaloka dahil “Miss Honduras, Natagpuan na pero hindi na rarampa sa Miss World” ang headline ng local TV news program.

Eh talaga naman na hindi na puwedeng rumampa si Miss Honduras dahil pinatay siya ng boyfriend ng kanyang kapatid.

Nagpakontrobersyal ang news program pero palpak naman. Ano ba ang masama kung “Miss Honduras, natagpuan na patay”, ang news headline nila?

Si Alvarado ang official representative ng Honduras sa Miss World 2014 pero hindi na siya kasali sa beauty pageant na magaganap sa December 14 dahil sa nangyari sa kanya.

I’m sure, looking forward ang pinaslang na beauty queen na makalahok sa Miss World at makilala nang personal si Megan Young, ang reigning Miss World.

Anyway, inilibing na kahapon si Miss Honduras at ang kanyang kapatid. Nagluksa ang buong bansa ng Honduras sa malagim na sinapit ng magkapatid na sobrang senseless ang pagkamatay.

Megan balik-London para ipasa na ang korona

Lumipad sa London si Megan Young noong Huwebes para sa coronation night ng Miss World.

Noong Huwebes din ang flight for London ni Valerie Weigmann, ang bet ng Pilipinas sa Miss World.

Nakasisiguro si Valerie na bibigyan siya ni Megan ng pointers pero sa kanya pa rin nakasalalay ang tagumpay niya sa beauty pageant na sasalihan. Dapat i-prove ni Valerie sa lahat ng judges ng Miss World na karapat-dapat siya na maging successor ni Megan.

Aktor na may contract sa isang network, walang kahatak-hatak

Nanghihinayang ang isang movie producer dahil hindi niya isinama sa cast ng pelikula ang baguhang aktor na contract star ng kanyang film outfit.

Kumita ang movie project pero hindi ito kasing lakas ng unang pelikula ng isang loveteam dahil wala sa cast ang aktor na baguhan.

Si Actor O na contract artist ng isang television network ang isinali sa pelikula ng sikat na loveteam.

Trying hard ang image ni Actor O na walang appeal sa masa at siya ang sinisisi kaya hindi blockbuster ang film project ng popular loveteam.

Dahil sa nangyari, binigyan ng produ ng mga bagong project ang aktor na baguhan dahil na-realize niya na malakas ang hatak ng bagets sa masa.

Pops, gusto pa uling makasal

Sa ganda ni Pops Fernandez, imposible na mawalan siya ng mga manliligaw.

Nangangarap pa rin si Pops na maikasal sa panga­lawang pagkakataon pero kung mangyayari ito, gusto niya ng mhin na masarap kausap at forever na makakasama. Good conversationalist ang ex-husband ni Pops na si Martin Nievera pero hindi siya ang tinutukoy ng Concert Queen.

Kahit lumaki at nagkaisip siya sa showbiz, malaki ang pagpapahalaga ni Pops sa kanyang privacy. Hindi natin siya naririnig o napapanood sa TV na nagsasalita tungkol sa kanyang lovelife, mula nang maghiwalay sila ni Martin. Parang what you see is what you get ang motto niya sa buhay.

Napag-uusapan ang personal life ni Pops dahil sa upcoming concert nila ni Martin sa PICC sa December 12, ang Penthouse Live, Reunion.

Magkasabay na humarap ang dalawa sa entertainment press na muling inusisa ang kanilang nakaraan. Naging ge­ne­rous naman sina Pops at Martin dahil sinagot nila ang lahat ng mga tanong ng entertainment writers.

vuukle comment

DAHIL

MEGAN

MEGAN YOUNG

MISS

MISS HONDURAS

MISS WORLD

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with