^

Pang Movies

Sunshine hindi naka-react nang tanungin tungkol sa beauty queen-GF ni Cesar

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Sa halip na mainis o magalit kaya, natawa na lamang si Sunshine Cruz when she guested recently sa late night program nina Kris Aquino at Boy Abunda, Aquino & Abunda Tonight on ABS-CBN.

Muling nabanggit kasi nina Kris at Boy ang matagal nang napapabalitang nagkaroon sila ng ugnayan ni Ejay Falcon, who played her son in the series, Dugong Buhay na matagal-tagal na ring wala sa ere. At that time, kahihiwalay pa lamang nila ng kanyang mister of 10 years then, Cesar Montano.

Kung sabagay, on that same timeslot of the program nina Kris at Boy, naunang naging guest ng dalawa si Ejay Falcon, who was promoting his appearance in last Saturday’s episode of Maalaala Mo Kaya (MMK).

Kaya, kung baga, nai-deny na ni Ejay ang balita. Sa halip, inamin both nina Ejay at Sunshine na at that time, ang girlfriend ni Ejay was his Du­gong Buhay leading lady, si Yam Concepcion.

Sunshine’s guesting in Aquino&Abunda Tonight had to do naman with the last episode ng series niyang Pure Love, with Alex Gonzaga, Joseph Marco, Yen Santos, John Arcilla at Arjo Atayde.

Well, she took the opportunity as na may gagawin siyang episode for MMK.

Her next project, she said, is another series kung saan natupad ang panga­rap niyang maging kontrabida.

Sunshine, who, we agree with Kris and Boy, remains one of the pret­tiest and sexiest among her contemporaries in showbiz. At sinasabi naman niya sa kanyang  previous interview na marami-rami ding nagpapalipad-hangin sa kanya. But her problem is she has no time to entertain them. Kapag ‘di raw siya busy with her work, tinututukan niya ang kanyang three daughters, na pawang matatalino raw.

Bagama’t bagong transfer daw sa school na kasa­lukuyan nilang pinag-aaralan, dahil bagong lipat din sila ng bahay na tinitirhan, na-maintain ng mga ito ang pagiging mga honor student.

‘‘Kaya, labis ko silang ipinagmamalaki,’’ dugtong pa ni Sunshine.

Of Cesar, if she is aware na isang beauty queen ang nali-link dito sa kasalukuyan, ngiti lang ang isinasagot ni Sunshine.

Ella magkakaanak na

Salve A., alin nga kaya sa dalawang upcoming series ng ABS-CBN ang papalit sa timeslot na iniwanan ng series na Pure Love (bago mag-TV Patrol?)

At the presscon of Dream Dad, starring Zanjoe Marudo at five year-old child star, Jana Agoncillo, the production team headed by Business Unit head, Jinny Ocampo, na ang kanilang programa (Dream Dad) ang magiging replacement ng Pure Love.

Na labis na ikinatuwa ng ngayon mainstay na ng Dream Dad, Yen Santos at Dante Ponce, na kasama rin sa mga bida ng Pure Love na ang programa rin nila ang papalit.

Jinny and her group were behind the success too, of the hanggang ngayon trendsetter na longest series na iprinuduce ng ABS-CBN, Be Careful With My Heart.

And then, heto nga sa teaser ng upcoming bagong series din ng Ka­pa­milya, Bagito, ipalalabas din daw ito, sa timeslot before TV Patrol.

Bagito will star naman teenage stars Nash Aguas, Alexa Ilacad at Ella Cruz.

Of the three, si Ella ang pinaka­ma­tanda, having just turned 18. Se­venteen years old lang si Nash, samantalang 16 lang si Alexa.

Speaking of Ella, sa totoo lang daw, kahit 18 na siya, ninerbiyos pa rin siya sa kanyang role bilang isang dalagang ina sa Bagito.

Yes, mabubuntis siya ni Nash sa series. E, katuwiran ni Ella, ni ‘di niya naranasan ang magkaroon ng boyfriend.

Bagito, Ella admits, is her first project na ser­yoso at nakaka-challenge. “Kaya, I have to act mature na,’’ ani Ella. ‘‘Lalo’t nang magka-baby na ako.’’

Ella was 16 when she had her first lead role, Ar­yanna, where she played a mermaid.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

BAGITO

DREAM DAD

EJAY

EJAY FALCON

ELLA

KAYA

PURE LOVE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with