^

Pang Movies

Iñigo kailangan ng tamang lighting at anggulo para lumabas ang kaguwapuhan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit mababaw lang ang kuwento, natuwa ka­ming panoorin ang Relaks It’s Just Pag-ibig.

Simple at pang-teen talaga ang kuwento nito na tungkol sa paghanap ng true love.

Kahit na nagawa na ang kuwentong ito sa ibang pelikula, aliw lang panoorin ang mga bida rito na mga baguhang teen stars at walang big stars para suportahan sila.

Mahuhusay umarte ang mga bata, lalo na sina Sofia Andres at ang anak ni Piolo Pascual (na may guest role sa movie) na si Iñigo Pascual.

Nakikita namin kay Sofia si Judy Ann Santos noong nagsisimula pa lang itong magbida sa mga pelikula. Maganda ang rehistro niya sa big screen at mahusay pang umarte.

Si Iñigo naman ay hindi kasing guwapo ni Piolo noong una itong lumabas sa pelikulang Batang PX, natural umarte ang bata at bumagay naman sa kanya ang role niya bilang ingleserong teenager.   Kailangan lang alagaan sa anggulo ng kamera at tamang ilaw si Iñigo.

Support lang sa movie si Julian Estrada. Lumabas ito halos kalahati na ng pelikula. Pero mas guwapo ito sa big screen kumpara kay Iñigo.

Stand out naman sa amin si Ericka Villongco na gumanap bilang si Cupcake.

Bagay kay Ericka ang role niya bilang isang sosyal, makulit na spoiled brat na may nakakairitang boses. Para siyang makabagong Cynthia Patag.

Tawa kami nang tawa sa eksenang pinagbantaan niya si Smokey Manaloto na papatayin niya ito kapag hindi niya sinabi kung nasaan si Iñigo.

Nasa pelikula rin si James Reid pero extra lang siya bilang isa sa mga classmates ni Iñigo.

Obviously, hindi pa sikat si James noong gawin ang pelikulang ito. Hindi tulad ngayon na biglang lumaki ang pangalan ni James dahil sa success ng mga pelikula niyang Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead.

Justin Bieber at Selena Gomez hindi na rin ‘magkaibigan’ sa social media

Hindi na pina-follow ni Justin Bieber si Selena Gomez sa Instagram. Inamin ito ni Selena sa kanyang interview with Ryan Seacrest sa On Air With Ryan Seacrest.

Nangyari raw ito nang i-release ni Selena ang kan-yang music video na The Heart Wants What It Wants na tungkol sa kanyang magulong relasyon with Justin.

Ipinapakita sa music video ang pagiging matiisin ni Selena sa mga nangyayari sa relasyon nila ni Justin kahit na nasasaktan na siya.

“I support him. I think I always will. I’m upset when he’s upset, I’m happy when he’s happy. I don’t want anything bad ever happen to him. It hurts me. That’s all,” sey ni Selena.

Nag-post ng isang cyptic message si Justin sa kanyang Instagram account pagkatapos ng interview ni Selena with Ryan.

Heto ang message: “Sometimes love isn’t a feeling but a choice. It’s easy to love when you feel it, but love when it’s hard to love.”

Kinabukasan ay hindi na pina-follow ni Justin si Selena sa Instagram. Inaasahan naman daw ni Selena na mangyayari iyon kaya hindi na rin niya pina-follow si Justin.

vuukle comment

CYNTHIA PATAG

INSTAGRAM

JUSTIN

JUSTIN BIEBER

SELENA

SELENA GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with