^

Pang Movies

Xian takot makumpara kay John Lloyd

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagsimula nang mag-taping si Xian Lim ng seryeng Bridges na pinagsasamahan nila nina Maja Salvador and Jericho Rosales.

Ito ang seryeng tinanggihan ni John Lloyd Cruz at napunta nga kay Xian ang kanyang role.

Aminado si Xian na may pressure talaga sa kanya dahil isang magaling na aktor ang kanyang pinalitan.

“Of course, there’s added pressure knowing na it came from him pero I can’t really speak on his behalf of course. But I’m really thankful and I’m really excited and I’ll give it my all to make everything work,” say ni Xian sa presscon ng pelikulang Past Tense kung saan ay balik-tambalan sila ni Kim Chiu.

Aware rin siya na baka magkaroon ng comparison sa acting nila ni Lloydie at mas lalo pa raw itong nakadagdag sa pressure niya.

“Pero makakasiguro sila na pagbubutihin and they will see a 100% of Xian,” say pa ng aktor.

Ikinatuwa rin ni Xian ang mainit na pagtanggap sa kanya ni Echo.

“Sinabi niya ‘yon sa interview niya, sinabi niya na I’m really excited and his prayers are going out for me. Sinabi ko kasi sa kanya na isang karangalan na makasama ko siya,” say ni Xian.

Samantala, excited din ang aktor sa balik-tambalan nila ni Kim sa Past Tense. Almost one year din daw kasi silang hindi napanood ng fans na magkasama after Bride for Rent.

Kakaiba raw ang Past Tense kaysa sa Bride for Rent or sa mga proyektong pinagsamahan nina Kim and Xian dahil ayon sa direktor na si Mae Cruz-Alviar ay may element daw ito ng time travel.

Bukod dito, ginagampanan ni Xian ang role na obese kaya kinailangan ­niyang magsuot ng fat suit na talagang napakahirap gawin.

Showing na sa Nov. 26 ang Past Tense at kasama rin dito ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Anak ni Elvis at Alexandra namama ang ugali ni Annabelle Rama

Humarap sa isang pocket presscon si Elvis Gutierrez at fiance na si Alexandra Uichico last Tuesday night. Bungad agad ng eldest son nina Annabelle Rama and Eddie Gutierrez, hindi na raw siya sanay sa mga interview at naninibago raw siya.

Dati ring artista si Elvis at nagsimula siya bilang child actor pero tumigil siya sa showbiz agad at hindi na ulit bumalik sa pag-aartista although siyempre bilang part ng Gutierrez family, kasama siya sa It Takes Gutz to be a Gutierrez na reality show ng kanilang pamilya sa E! Channel.

Kapapanganak lang ni Alexa to their first child last month kaya kung baga, nasa stage pa talaga sila na high na high sa pagiging new parents.

“Very happy. When we see the baby, we’re so happy, you know. When she cries, she reminds us of Tita Annabelle, when she eats, she reminds us of Elvis, super-ingay umiyak, dinig sa buong bahay. She likes to listens to tsismis, parang si Tita A, pag maingay, gustung-gusto niya,” kwento ni Alexa sa kanilang baby girl.

Say naman ni Elvis, kahit napupuyat din siya kapag umiiyak ang kanilang anak, sobrang happy daw niya.

Sa It Takes Gutz to be a Gutierrez unang mapapanood ang baby nina Elvis at Alexa at sa Sunday na ito ipalalabas.

Eight years na ang relasyon nina Elvis at Alexa at next year sila nakatakdang ikasal. Colorful din ang kanilang love story dahil kwento ng publicist ng mga Gutierrez na si Jun Lalin, talagang head over heels in-love raw si Elvis kay ­Alexa na iniwan pa ang career dito sa ‘Pinas para sundan ang girlfriend sa States noon.

Heard na si Elvis daw ang pinaka-favorite son ni Annabelle dahil masunu­nurin ito sa lahat, pero say niyang natatawa, “tsismis lang ‘yun, si Chard (Richard) talaga ‘yun.”

vuukle comment

ALEXA

ALEXANDRA UICHICO

ANNABELLE RAMA

ANNABELLE RAMA AND EDDIE GUTIERREZ

BUT I

ELVIS

PAST TENSE

SIYA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with