^

Pang Movies

Posibleng may battered wife syndrome kahit bugbog-sarado, Maegan Aguilar ayaw idemanda ang ka-live in

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May mga nagsasabi na posibleng may Battered Wife/Women Syndrome si Maegan Aguilar dahil tumanggi raw ito na sampahan ng kaso ang live in partner na umumbag sa kanya. Baka naman mahal pa rin ni Maegan si Ali na ama ng kanyang mga anak kaya may balita na ayaw niya na magdemanda?

Sa pangalan pa lang, hindi nakapagtataka na umbagero ang dyowa ni Maegan! Ali is Ali ‘no! Wanted si Freddie Aguilar sa mga reporter dahil sa nangyari sa kanyang anak na si Maegan.

Hindi pa nagsasalita si Ka Freddie tungkol sa malupit na sinapit ni Maegan.

Madaling mahanap si Ka Freddie ng media dahil madalas siya sa kanyang bar sa kanto ng Morato Avenue at Kamuning Road.

May mga nagkomento na hindi mararanasan ni Maegan na masaktan kung hindi siya umalis sa bahay ng kanyang ama sa New Manila, Quezon City.

Kahit papaano, protektado siya ni Ka Freddie kung nakatira pa rin sila sa iisang tahanan.
Nangyari na ang nangyari. At least, may mga aral na matututunan si Maegan sa bagong pagsubok na pinagdaraanan niya.

Airport ng Tacloban mas inuunang pakialaman kesa tulungan ang mga biktima ng bagsik ng Yolanda

Wanted din ng media ang mag-asawang Alfred Romualdez at Cristina Gonzales.

Si Papa Alfred ang mayor ng Tacloban City at konsehala ng lungsod ang kanyang mabait na misis. Gustong malaman ng media ang reaksyon ng mag-dyowa sa plano ng pamahalaan na alisin sa Tacloban City at ilipat sa ibang lugar ang Tacloban airport.

Marami ang naloka sa balita dahil ang feeling nila, may kinalaman ang pulitika sa isyu, kahit nag-deny na ang mga kinauukulan.

Sa rami ng problema sa Tacloban City, uunahin pa ang paglilipat ng airport sa ibang lugar? Unahin muna kaya na bigyan ng tulong at bahay ang mga kababayan natin na hindi pa nakaka-recover mula sa bagsik na iniwan ni Typhoon Yolanda noong nakaraang taon? Wish ko lang ‘ha?

TV host/model sobrang panget ‘pag walang make-up

Shocked na shocked ang isang aktres nang makasama niya sa dressing room ang TV host/model na ubod ng ganda ang projection. Shocked na shocked ang aktres dahil walang make-up si TV host/model nang magkaharap sila. Hindi makapaniwala ang aktres na ibang-iba ang its­ura ng TV host/model kapag wala itong kolorete sa mukha.

Oozing with sex appeal at parang siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa kapag fully made up ang TV host/ model pero kapag wala nang make-up sa mukha, ordinaryung-ordinaryo ang kanyang face at hindi mo tatapunan ng second look.

In fairness sa aktres na nabigla, magandang-maganda siya, may make-up man o wala. May reason talaga para maloka siya sa TV host/model.

Macaulay Culkin hindi totoong namatay

Mali ang balita na natsugi na ang former child actor na si Macaulay Culkin. Alive na alive ang aktor na sumikat noon dahil sa kanyang Home Alone movies.

Pero marami ang nag-aalala para kay Macaulay dahil sa kanyang itsura ngayon. Ang tanda-tanda ng mukha niya kahit 34-years old pa lamang siya. May kinalaman ang paggamit ng illegal drugs sa chaka na transformation ni Macaulay at ganito rin ang mangyayari sa isang Pinoy actor kapag hindi nito tinigilan ang masamang bisyo!

vuukle comment

ALFRED ROMUALDEZ

ALI

BATTERED WIFE

KA FREDDIE

KANYANG

MACAULAY CULKIN

MAEGAN

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with