^

Pang Movies

Raymart gustong mag-ala Derek kay Claudine!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kagaya rin sa nangyari kay Derek Ramsay, sinabi ni Raymart Santiago na nakahanda siyang makipagkasundo sa asawang si Claudine Barretto alang-alang sa kanilang mga anak, pero sinabi rin niya na siguro imposible nang magsama pa silang muli.

Minsan, sasabihin mong nakalulungkot ang mga ganyang kuwento, dahil nagsimula sila nang nagmamahalan at nagdesisyong magsama bago sila nagpakasal. Isinasantabi nila ang kanilang nakaraan, kung anuman ang mga naging love affair ni Claudine bago si Raymart, at pinakasalan niya iyon. Tanda iyon na minahal niya ang kanyang asawa. Pero nagkaroon din sila ng problema.

Hindi naman silang dalawa talaga ang pinagsimulan ng problema eh, kundi iyong pakikitungo ni Claudine sa kanyang mga kapatid, at nadamay lamang si Raymart. Nga­yon, si Raymart na ang nalagay sa frontline ng laban. Isa lang naman ang sinasabi ni Raymart na pinagsimulan ng away, noong tumanggi siyang idemanda ang kanyang hipag na si Gretchen Barretto, na sinasabi ni Claudine na hindi nagbigay ng magandang treatment sa kanya at sa kanyang mga anak.

Naging magulo, umalis si Raymart sa kanilang tahanan. Inakusahan siya ni Claudine ng abandonment, at sa halip na mangibabaw ang mga magkakasundo sana sa simula pa lang, ang umibabaw ay ang mga sulsol na magdemandahan sila kaya lumaki nang ganyan ang kaso. Pero iyan ay isang domestic problem lamang.

Tama naman na magkasundo sila alang-alang sa kanilang mga anak. Ang dapat nilang isipin, walang kinalaman ang mga bata sa kanilang problema. Wala lang choice ang mga bata na nasangkot sa kaguluhan nila dahil sila nga ang mga magulang.

Ngayon, kung silang dalawa ay talagang hindi na magkakasundo, maghiwalay sila nang maayos pero sana huwag nang ma-burden ang mga bata sa kanilang problema.

Carlene tututukan ang imbestigasyon sa banggaan ng dalawang school bus

Sabi nga nila, simpleng banggaan iyon ng dalawang school bus, pero may mga batang nasaktan at nagkataong kabilang doon ang pitong taong gulang na anak ng actor na si Dennis Trillo at ng dati ­niyang girlfriend na si Carlene Aguilar. Dahil diyan, ibang atensiyon ang ibinigay ng media sa simpleng aksidenteng iyon sa Quezon City. Natural iyon dahil anak ng dalawang celebrities ang isa sa mga biktima.

Hindi naman daw malubha ang natamong sugat at bukol ng anak ni Dennis, pero hindi mo masabi kung anong bukol iyon dahil baka may epekto­ ­iyon sa utak noong bata pagdating ng araw. Iyang mga ganyang bukol na ipinagwawalang bahala natin, kailangan pala talaga ng scanning para sigurado. Saka siguradong may trauma ng bata dahil sa nangyari ay kailangang isipin.

Hindi lamang ang actual damage, o ang gastos sa pagpapagamot ang responsibilidad ng school bus sa mga ganyang bagay kung di maging ang mga moral damages, iyong epekto ng aksidenteng iyon sa mga bata. Kung hindi pa nila aayusin iyan at hihintayin pa nilang magdemandahan, madadagdagan pa ang problema nila. Hindi masasabing kasalanan lang iyon ng mga pabayang driver. Sa ilalim ng batas ang mga may ari ng sasakyan ay responsible sa mga pasahero nila, lalo na nga’t school bus iyan.

Hinihintay daw muna nila ang imbestigasyon at desisyon ng Xavier School at saka gagawa ng sariling hakbang si Carlene kung kailangan.

vuukle comment

CARLENE

CARLENE AGUILAR

CLAUDINE

DENNIS TRILLO

GRETCHEN BARRETTO

IYON

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with