^

Pang Movies

John Lapus gustong makalaban si Vice Ganda!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aminin man ni John “Sweet” Lapus o hindi, naungusan na talaga siya ni Vice Ganda sa kanyang career. Sa ganda, s’yempre kay Sweet kami. Pero may ambisyon pa rin si John na maging bida sa pelikula. Ngayon, sa Moron 5.2 The Transformation, sabi niya, halos siya ang bida rito dahil siya ang kalaban ng limang bobo.

Sa totoo lang, kaya namang magbida ni Sweet sa pelikula, basta ang hiling lang niya ay si Direk Wenn Deramas ang gagawa, kasi gamay na niya ang direktor. Gusto rin niya na Viva Films ang magprodyus kung sakali. 

“Nakakontrata kasi ako sa kanila. Sana nga lakihan nila ang istorya ni Beki Pamintuan na role ko sa Moron. Kabisadung-kabisado ko na kasi siya! Pati takbo ng utak niya!”

Hindi raw siya insecure kay Vice dahil magkaiba naman sila ng acting style kahit pareho silang bading. Saka noon pa man, halos gerlash na ang mga wearing niya pati facial looks. “Pwede rin kaming pagsamahin sa pelikula, ‘di ba? Pwede kami sa isang istorya bilang magka-away, why not?”

Liza hinuhulaang sisikat

Guest ni Jobert Sucaldito sa kanyang programa sa DZMM Teleradyo si Liza Soberano kamakailan. Si Ogie Diaz pala ang tumutulong dito ngayon at tumatayong manager ng bagets. Sixteen years old lang si Liza at half-Filipino, half-American. Ten years old siya nang unang magpunta sa Pilipinas.

“Pinakamalaking break ko itong Forevermore,” sabi niya at nagpapasalamat siya at marami-rami na rin siyang fans. “Naiilang po ako kay Enrique Gil nang una kaming magka-eksena pero hindi dahil may crush ako sa kanya. Trabaho lang talaga, walang personalan muna.”

Una siyang nakalabas sa pelikula kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Hinuhulaang sisikat si Liza dahil sa taglay niyang ganda. Pero sana, haluan niya ito ng kakaibang talento at sana ay malakipan ito ng suwerte basta masipag lang siya at laging nakaapak sa lupa.

Mikael hindi pa nakakasiguro kung pakakasalan ni Megan

Malapit nang matapos ang reign ni Megan Young bilang Miss World.  Inaabangan ngayon kung itutuloy na ni Mikael Daez ang proposal niya kay Megan na magpakasal sila. Matatandaang sinundan pa ni Mikael si Megan sa London noong koronahan ito. Pero sabi ni Megan, ayaw pa niyang asikasuhin ang kanyang lovelife. Gusto muna niyang magbalik sa showbiz.  Naiintindihan naman daw  ito ni Mikael kaya magpaparaya daw muna siya.  

 

vuukle comment

BEKI PAMINTUAN

DANIEL PADILLA

DIREK WENN DERAMAS

ENRIQUE GIL

MEGAN

MIKAEL

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with