^

Pang Movies

Bagong twist sa ‘teleserye’ pinatay na transgender pinagbintangan daw nagnakaw ng Kanong sundalo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Natuwa naman ako sa news na puwedeng ipa-deport ng Bureau of Immigration and Deportation ang German boyfriend ng transgender na si Jeffrey  Laude dahil sa pag-oober da bakod niya sa Camp Aguinaldo at panunulak sa isang Pinoy soldier.

Nag-sorry na ang unwanted alien sa AFP pero madali ang humingi ng paumanhin. Malay ba natin kung hindi bukal sa kalooban ang kanyang apology?

Anyway, may bagong twist sa kaso ng pagpatay kay Laude  dahil isinasangkot na ngayon ang kaibigan niya na transgender.

Ibinalita kahapon sa GMA News TV na diumano, may lumitaw na impormasyon na nagalit ang US Marine na si Joseph Scott Pemberton dahil pinagnakawan ito at si Laude ang napagbintangan niya pero ibang tao ang may kagagawan.

Marami ang nakatutok kahapon sa GMA News TV dahil sa coverage nila sa paghahatid kay Laude sa huling hantungan nito.

Dahil sa bagong twist, parang teleserye talaga na sinusubaybayan ang kaso nina Laude at Pemberton.

Derek maligaya sa nangyari sa kanila ng dating asawa

Happy na si Derek Ramsay dahil magkabati na sila ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly.

Hindi pa nagkukuwento si Derek pero according sa mga balita, nagkasundo sila ni Jolly noong Huwebes sa harap ni Judge Eugene Paras ng Makati Regional Trial Court.

Marami ang natuwa sa pagkakasundo ng da­ting mag-asawa dahil ang kanilang anak ang higit na makikinabang.

Paulit-ulit na sinasabi ni Derek ang kagustuhan nito na magampanan ang maging ama ng bagets at ngayong nagkaayos na sila ni Jolly, matutupad na ang pangarap niya.

May aral na matututunan mula sa kaso nina Derek at Jolly ang mga mag-asawa na may similar problem. Na malulutas ang lahat ng mga problema at isyu sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap, lalo na kung may mga inosenteng bata na sangkot.

AIAI hindi na nalalayo ang hitsura sa BF na estudyante

Na-sight kahapon si AiAi Delas Alas at ang kanyang boyfriend sa Iloilo City.

Ang sabi ng mga eyewitness, may sports event na dinaluhan si AiAi at ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Malaki ang age gap ni AiAi at ng dyo­wa nito pero dahil bagets looking ang comedienne, parang magkaedad lamang sila at ayon ito sa mga nakakita sa sweet lovers.

Heart at Chiz parami na ang mga ninang

Ninang din sa kasal nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero ang respected broadcast journalist na si Mel Tiangco.

Personal na nakipagkita sina Heart at Papa Chiz kay Mama Mel para  sabihin ang kanilang pakay.

Pumayag naman si Mama Mel na tumayo bilang principal sponsor sa Balesin wedding nina Heart at Papa Chiz sa February 15, 2015.

Magkikita kami ngayon ni Heart sa studio ng Startalk at tiyak na mapagkukuwentuhan namin ang paglapit nila ni Papa Chiz  kay Mama Mel.

Tom may time nang mamahinga

Nabawasan na ang regular show ni Tom Rodriguez kaya magkakaroon na siya ng panahon para makapagpahinga.

Napapansin na ang panglalalim ng mga mata ni Tom sa Don’t Lose The Money. Ito ‘yung panahon na naglalagare siya sa tapings ng kanyang game show at ng My Destiny.

Ang Don’t Lose The Money na lang ang regular show ni Tom dahil natapos na nga ang My Destiny. Puwede nang mag-relax –relax si Tom para hindi na  ngarag ang itsura niya.

vuukle comment

DAHIL

DEREK

LOSE THE MONEY

MAMA MEL

MY DESTINY

PAPA CHIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with