^

Pang Movies

Prodyu ng Dilim sinadyang hindi isabay sa Horror Filmfest ang pelikula?!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bakit kaya hindi pa isinama ni Direk Joey Reyes ang pelikula niyang Dilim sa hilera ng mga pelikulang tampok sa Sineng Pambansa Horror plus Film Festival? Advance ng one week ang pelikula ni Direk Joey. Magkakasabay ang mga pelikulang T’yanak nina Peque Gallaga at Lore Reyes, Sigaw Sa Hatinggabi ni Romy Suzara, Hukluban ni Gil Portes at Bacao ni Edgardo “Boy” Vinarao.

Pero hindi naman si Direk Joey ang may responsibilidad sa booking ng kanyang horror films. Gusto siguro ng Regal Films na unahan ang tambak na horror films na maglalaban para mas malaki ang kanilang kikitain!

Sa Dilim, kayanin kaya ni Kylie Padilla na maging box-office hit kahit kasama pa niya si Rayver Cruz na pangunahing matatakutin sa multo?

Eula ikinukumpara sa pagiging nanay ni Rizal kay Gloria Diaz

Matagal pa ang Araw ng mga Bayani at bertdey ni Jose Rizal pero dahil atat na atat na ang GMA-7 na ipakita ang galing sa pag-arte ni Alden Richards, heto sila sa kanilang unang bayani serye na Ilustrado, kung saan gaganap si Alden  bilang Jose Rizal. Kasama niya rito sina Solenn Heussaff at Kylie Padilla bilang Leonor Rivera. Balik-Syete si Eula Valdez bilang nanay ni Rizal. Matalo kaya niya ang performance ni Gloria Diaz bilang nanay ni Rizal sa Rizal movie na ginampanan ni Cesar Montano kung saan siya nag-best supporting actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noon?

Sikat na aktres nagpalaki ng boobs sa Amerika?

SI AiAi delas Alas ang unang aktres na ibi­nalitang nagpasikip ng kanyang “flower”. Pero ngayon, kumakalat ang tsismis na isang sikat na artista na anak ng isa ring sikat na artista ang balitang nagpasikip pala sa America. Una siyang napabalitang nagpalaglag daw dahil buntis ito noon. Biglang-bigla kasi siyang nagpunta sa Tate at natsismis ngang buntis daw. Pero idinenay niya ito at gusto lang daw kasi niyang mag-aral.

Tuwing napapanood nga namin si aktres sa te­leserye ngayon, iba na ang hitsura niya.  Lumaki ang boobs niya at lumapad ang balakang.                                              

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

CESAR MONTANO

DIREK JOEY

GLORIA DIAZ

JOSE RIZAL

KYLIE PADILLA

PERO

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with