^

Pang Movies

Pagiging mag-asawa nina Kris at Vice Ganda kinabubuwisitan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakaalibadbad at masakit naman daw sa tenga, kapag naririnig ang tawagang “Asawa ko” nina Kris Aquino at Vice Ganda kapag nagkakasama ang mga ito. Minsan daw ay binati ni Kris si Vice Ganda sa kanilang programang Aquino and Abunda Tonight.

Walang masama sa pagtatawagan ng dalawa, kaso maraming ibig takasan ng ulirat kapag nadidinig ang tawagan nilang “mag-asawa”. Pasensya na Vice, mabuti pang BFF (best friends forever) na lang, tutal wala naman na si AiAi delas Alas na BFF ni Kris dati.

Rita type si Jason?!

Nasa Cebu City noong October 18 ang versatile actress at writer na si Rita Avila para sa book signing ng kanyang third book na Ang mga ‘di nakikitang pakpak sponsored ng book publisher na St. Pauls’ sa SM at Ayala Mall ang libro ng aktres. Sa October 25 naman ay pupunta siya ng Davao City para din pumirma ng librong ibebenta sa SM Mall. Mabuti na lang daw, wala pa siyang teleseryeng natatanguan. Makakapaglibot pa sa ilang key cities.

Sa aming kwentuhan ni Rita, nabanggit niyang magaling na actor si Jason Abalos. Moreno at taga Nueva-Ecija din katulad ng mister niyang si Direk FM Reyes. Nakatuwaan tuloy itanong kung sakali ba’t hindi sila mag-asawa ni Direk Erik matataypan ba niya si Jason? Napakalakas ng tawa ni Rita, sabay sagot na, puwede rin siguro, tutal mahilig siya sa bata, dahil mas bata si direk sa kanya. Cougar na cougar ang style, ‘di ba? May movie siya noon, katambal si Edgar Allan Guzman na bata rin sa kanya. Well, uso naman ngayon na mas mature ang girl kaysa sa lalaki. Naririyan si Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Mommy Dionisia at non-showbiz BF nito, at sina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan. Nabanggit ni Rita, pangarap ni Direk Erik, na makapag-produce ng isang indie Film. Kung bakit indie film, eh dahil gusto nitong makagawa ng isang obra maestro na hindi komersyal ang tipo.

Toni mas gusto nang tinalo ng kapatid kaysa ibang Kapamilya

No problem para kay Toni Gonzaga, kung sakaling ang utol niyang si Alex Gonzaga ang bagong paboritong star ngayon ng Dos, at least, kapatid nga naman niya ito at hindi napukol sa iba ang suerte. Nakakapagtakang binigyan ng break sa TV5 si Alex, pero walang nangyari. Kung hindi dahil sa Kapamilya network baka hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng suwerte ang nakababatang Gonzaga. Sabi ng iba, hindi pala palakihan lang ng talent fee ang importante, kundi ‘yung mabigyan ka ng magandang project.

Mabalik kay Toni, ano kaya ang regalo nito sa BF na si Direk Paul Soriano na nag-birthday noong October 15?

Krista at Kiko nabihag si Direk Gil

Ano kayang star potential mayroon si Krista Miller at nataypan ni Direk Gil Portes na gawing bida sa Hukluban? Knowing Direk Gil na masyado pa namang pihikan pumili kung sino’ng gustong pasikatin. At ‘yung Kiko Matos, ano kaya ang meron sa kanya na nakabihag kay Direk Gil, para gawin siyang bida?

                               

 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

AYALA MALL

DAVAO CITY

DIREK

DIREK ERIK

DIREK GIL

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with