^

Pang Movies

Sunshine mga anak lang daw ang kaligayahan sa buhay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagpapasalamat na lang si Sunshine Cruz, dahil marami siyang dumarating na trabaho simula noong mag-come back siya sa showbiz. Hindi naman siya nababakante. Ang nakakatawang kuwento nga ni Sunshine, “kailangan kong magtrabaho para suportahan ang mga anak ko”. Inaamin niyang maraming gastos ang mga bata, lalo na at lumalaki na nga ang mga iyon. At alalahanin ninyo, tatlong anak nga ang kailangan niyang suportahan.

Pero sa kuwento nga ni Sunshine, nawawala ang pagod niya oras na makauwi na siya sa bahay at nakita na niya ang kanyang mga anak. Minsan nga raw kinakausap niya ang mga iyon, dahil ma­dalas wala siya sa bahay dahil sa trabaho, at mabuti naman daw naiintindihan ng mga bata kung bakit hindi na kagaya nang dati na lagi niyang kasama ang mga iyon. Dahil “alam naman nila na kailangan akong maghanapbuhay para sa aming lahat”.

Bagama’t masasabi ngang hindi naman imposibleng may manligaw na muli kay Sunshine dahil kung titingnan mo nga mas maganda pa siya ngayon, sinasabi ng aktres na sa ngayon, “hindi ko muna iniisip iyan dahil hindi pa naman puwede, at saka gusto kong mag-concentrate muna sa mga anak ko at sa career ko. At saka na lang iyan kung legally ok na”.

Ang talaga lang daw nagpapaligaya sa kanya nga­yon ay ang kanyang mga anak, lalo na nga’t lahat ng mga iyon ay nagpapakita ng mahusay na performance sa kanilang pag-aaral. Lagi ngang may commendation ang mga iyon mula sa kanilang school. Kaya naman sinasabi ni Sunshine na “kung ano sa palagay ko ang kailangan nila, lalo na iyong mga projects sa school, talagang pinagsisikapan kong maibigay sa kanila”.

Pero wala naman daw objections ang mga bata kung may bago nang manligaw kay Sunshine, “basta ang gusto lang nila magkakasama pa rin kami”.

Markki inaabangan nang rumampa na naka-underwear

Sa totoo lang, ang daming tumatawag sa amin at nagtatanong tungkol sa Bench Denim and Underwear fashion show na gaganapin sa Biyernes sa MOA Arena. Actually nagugulat din kami dahil sa dinami-dami ng mga fa­shion shows, ngayon lang kami nakaranas ng ganyang katin­ding pangungulit ng tanong mula sa mga kakilala namin.

Pero ang mukhang mas pag­ka­kaguluhan ng mga tao ay ang mga male models, lalo na ang mga artista na nakikita nila sa pelikula at telebisyon, at ilang male models na naging kon­trobersiyal dahil na-link sa ibang mga showbiz persona­lities. Maraming nag­tatanong ngayon tungkol kay Markki Stroem, kaya maiisip mo ngang mukhang mas napansin siya bilang isang model kaysa sa pagi­ging isang singer niya.

Male starlet ipinagpalit ang ka-live para kay Ma’am

Grabe si Ma’am, talagang hindi niya tinigilan hanggang sa humiwalay sa live in partner ang isang male starlet at maging “sila na ngayon”. Siyempre full sustento naman si ma’am sa male starlet, dahil kung hindi, papaano naman tatagal ang kanilang “love affair”?

Pero may mga babae palang talagang ganoon kakapal ang apog makuha lang ang gusto. 

vuukle comment

BENCH DENIM AND UNDERWEAR

DAHIL

MARKKI STROEM

NAMAN

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with