^

Pang Movies

Sa Dubai gaganapin, Pacman at Mayweather gagastusan ng oil tycoon para matuloy ang laban

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mukhang may posibilidad na ngang matuloy ang matagal nang hinihintay ng mga boxing fans na laban between Manny “Pacman” Pacquiao and Floyd Mayweather, Jr.

Sa isang interview ni Pacman na naka-post sa website na SB Nation habang nasa promotion siya ng laban nila ni Chris Algieri sa New York City, ibinunyag nito na ongoing na ang negotiation ng kanyang promoter at ng kampo ni Mayweather.

Dagdag pa ni Pacman na isang Middle Eastern royal ang siyang sasagot ng gastos ng laban na ito at gusto nito na gawin ang laban sa bansang Dubai.

Ang itataya ng naturang oil tycoon sa dalawang boksingero ay nagkakahalaga ng $227 million.

“All signs seem to point to a first fight early next year,” sey pa ng promoter ni Pacman na si Bob Arum.

“A second fight in the autumn would provide a different cash split because the winner of the first would claim the higher percentage. As each of them believes he would win, that provides an extra incentive.”

Anyway, sa November 22 na ang laban ni Pacman kay Algieri na gaganapin sa The Venetian in Macau, China.

Gown ni Krystal na isinuot sa debut, regalo ni Marian

Nag-celebrate ng kanyang 18th birthday ang dating child actress na si Krystal Reyes noong nakaraang September 7.

Unang nakilala si Krystal (Maria Jolina Reyes sa tunay na buhay) sa teleserye na Bakekang kung saan siya ang gumanap na batang Lovi Poe. Nasundan pa ito ng ibang mga teleserye tulad ng Mga Mata Ni Angelita, Rosalinda, Bantatay, Munting Heredera, AnnaKareNina, at Carmela.

Ginanap ang debut ni Krystal sa 55 Events Place sa Quezon City at present nga ang kanyang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Naroon ng gabing iyon sina Gina Alajar, Kris Bernal, Camille Prats, Sheena Halili, Barbie Forteza, Bea Binene, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Isabel Oli, Ynna Asistio, Jennica Garcia, Julian Trono, Joanna Marie Tan, Kenneth Paul Cruz, at Marian Rivera na siyang nagregalo ng kanyang debutante gown.

Neil Patrick ng sikat na HIMYM at BF na si David ikinasal sa Italy

Officially married na ang Hollywood actor na si Neil Patrick Harris sa kanyang boyfriend of 10 years na si David Burtka.

Kilala si Neil Patrick Harris bilang child actor at nagbida noon sa 1989 hit comedy series na Doogie Howser, M.D. Naging part din si Neil ng cast ng comedy series na How I Met Your Mother (HIMYM).

Ikinasal sina Neil at David noong nakaraang Saturday (September 6) sa Italy. May ‘anak’ na kambal ang dalawa na sina Gideon at Harper.

Suot ng dalawa ang custom-made Tom Ford tuxedos at ang nag-officiate ng kanilang wedding ay ang kanilang kaibigan, mentor, at producer-director ng How I Met Your Mother na si Pam Fryman.

Isang sorpresa ang pag-perform ni Elton John sa kanilang reception.

In-announce nga ng couple ang kanilang engagement via Twitter noong June 2011 pagkatapos na ma-legalize ang same-sex marriage sa New York City. Five years earlier ay engaged na sila at nagsasama na sila sa isang townhouse sa Harlem, New York.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

BOB ARUM

CAMILLE PRATS

HOW I MET YOUR MOTHER

KRYSTAL

NEIL PATRICK HARRIS

NEW YORK CITY

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with