^

Pang Movies

Maruming kalakaran ng ‘sextortion,’ ibibisto ni Julius

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatalupan ni Julius Babao kung paano sumasalakay ang malalaking grupo na nagsasagawa ng sextortion at bumibiktima sa iba’t ibang panig ng daigdig sa  Bistado ngayong Lunes (Setyembre 8).

Ang sextortion ay isang ilegal na gawain sa Internet kung saan hihikayatin ang biktima na makipa-cybersex. Lingid sa kaalaman niya ay irerekord ng sindikato ang malalaswang videos o larawan nito at gagamitin upang i-blackmail siya na ipapakalat ang mga iyon kapag hindi siya nagbayad ng $500 hanggang $2,000.

Kamakailan ay inaresto ng Philippine National Police (PNP), kasama ang International Police (Interpol), ang 58 kataong diumano’y sangkot sa higanteng grupo ng sextortionists.

Ano ang naging epekto ng krimeng ito sa kanilang mga nabiktima?

Huwag palampasin ang Bistado, ang katuwang ng pamilya sa seguridad at proteksyon, ngayong Lunes (Setyembre 8), 4:50 pm sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

Christian Bautista haharanahin ang mga Ilokano

Musical touch ang hatid ng GMA Network sa pagdiriwang ng World Heritage Cities Solidarity Cultural Festival ng Vigan City ngayong taon na gaganapin sa Lunes, September 8.

Isang gabing punung-puno ng musika ang naghihintay para sa mga Ilokano simula 7:00 PM ng nasabing araw sa Vigan Convention Center dahil haharanahin ng Kapuso romantic balladeer na si Christian Bautista ang mga manonood sa isang Kapuso Fiesta. Sasamahan siya nina GMA Artist Center talents at Sunday All Stars songstresses Aicelle Santos, Maricris Garcia, at Frencheska Farr.

Kasabay ng pagdiriwang ng iba pang mga siyudad sa buong mundo na may ipinagmamalaking world heritage site, idinaraos ng Vigan City ang nasabing festival sa pamamagitan ng isang week-long celebration na naglalayong pagyamanin ang kultura at kasaysayan ng Vigan.

Bukod sa Kapuso Fiesta, ilan din sa paka-aabangang festival highlights ay ang street parade na Repazzo de Vigan, ang Historia Oral, Zarzuela, Folkdance Competition, Comidas de Ayer, at iba pa.

Pure love stars,nagpasaya ng libo-libong fans sa Pampanga

Purong kilig at saya ang inihandog ng Pure Love stars sa libo-libong fans na dumagsa sa kanilang thanksgiving show sa Marquee Mall Pampanga noong Sabado (Agosto 30).

Nakipag-bonding sa kanilang loyal viewers ang mga bida ng Pure Love na sina Alex Gonzaga, Yen Santos, Joseph Marco, at Arjo Atayde na mas kilala na ngayon sa kanilang mga karakter sa programa na sina Diane, Ysabel, Dave, at Raymond. Dumalo rin sa mall show upang makapagpasalamat sa suporta ng mga manonood sina Sunshine Cruz at Dante Ponce.

Patuloy na tutukan ang primetime TV’s newest sensation,  Pure Love, gabi-gabi sa ganap na 5:50 ng hapon, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

The Wizarding World of harry Potter binisita ni Jessica

Puwede na ngayong maranasan ng mga fans ang magical world ni Harry Potter na nabasa sa libro at napanood sa pelikula dahil sa kauna-unahang Harry Potter theme park sa Asia – ang Wizarding World of Harry Potter – na nagbukas noong Hulyo at matatagpuan sa loob ng Universal Studios sa Osaka, Japan.  At ang top-rating news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho ang kauna-unahang Philippine TV program na nabigyan ng pribilehiyong makapasok sa loob nito!

Bukod sa Wizarding World of Harry Potter, tampok rin sa KMJS ang mga dapat matikman na Japanese food sa Osaka.

Samantala, susundan rin ng KMJS ang Team Gilas kung saan masasaksihan ang determinasyon sa hardcourt.

Pag-uusapan rin ang mga railway systems sa bansa partikular na ang MRT and PNR na pampublikong transportasyon ngayon, ang pagkamatay ng isang lalaki na inaakalang aswang ng mga kapitbahay, at ang sikat pa rin na kantang Let It Go.

Tunghayan lahat ng ito kasama ang multi-awarded broadcast journalist na Jessica Soho ngayong Linggo ng gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho Osaka Special pagkatapos ng Ismol Family sa GMA 7.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

CHRISTIAN BAUTISTA

HARRY POTTER

JESSICA SOHO

KAPUSO FIESTA

KAPUSO MO

PURE LOVE

VIGAN CITY

WIZARDING WORLD OF HARRY POTTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with