^

Pang Movies

Bilin ng aktor pagbibigay pugay kay Mark ‘di puwedeng malungkot

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ngayong umaga, September 3, at 10:00, ang si­mula ng celebration of Ralph’s (Mark Gil) Eigenmann’s life at the La Salle Greenhills in Ortigas, San Juan City.

Iniimbita ng Eigenmann family ang lahat ng mga kaibigan at fans ni Ralph in honoring the actor, son, brother, father, husband, and friend.

Susundin ng family ang lahat ng ibinilin ni Ralph bago siya pumanaw, tulad ng ayaw nito na may malulungkot dahil sa kanyang pagpanaw, kaya lahat ng talks ay masesentro lamang sa mga masasayang pangyayari sa buhay niya sa piling ng kanyang pamilya at mga katrabaho sa showbiz.

At tulad ng sabi ng anak niyang si Gabby Eigenmann habang hawak ang kamay ng ama nang mamaalam sa kanila: “Fly free with the Lord, fly free without pain. No worries, no problems, just love. Till we meet again.”

Gabby mas may paghuhugutan na sa pag-iyak

Ngayon, nakatitiyak na kami kay Gabby Eigenmann, although napakahusay niya talagang actor, na may mas paghuhugutan siya ng emosyon sa pagganap niya bilang si Carding sa afternoon prime drama series nilang Dading sa GMA 7.

Kahit kasi may comedy scenes sa pagganap niya bilang isang beki, mas ma­­ra­mi naman siyang drama scenes dahil sa sobrang pagmamahal niya sa iti­nuring niyang anak nila ni Beth (Glaiza de Castro), si Precious, na takot siyang makuha ng tunay na amang si Joemer (Benjamin Alves) ang anak.  Natatan­daan naming tuwing makakausap si Gabby noon sa set at kukumustahin sa kan­ya ang amang si Mark, makikita mong may lungkot sa mukha niya, pero sasa­bihin niyang okey ang ama, walang sakit kaya patuloy pa ring nagtatrabaho.

Kahit wala pang anunsyo ang Royal Couple, fans pinuproblema na ang honeymoon nina Dingdong at Marian

Last Monday, ipinakita na ng GMA 7 ang plug shoot ng mga coming shows nila tulad ng talent reality search na Bet ng Bayan na iho-host nina Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards; ang game show na iho-host ni Tom Rodriguez, ang Don’t Lose the Money, at ang muling pagbabalik ng original artista search, ang StarStruck Again (SSA), which will be hosted again by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, sixth time na niya itong pagho-host ng show since it started ten years ago.

Kung ang unang dalawang shows ay mapapanood na ngayong September, ang SSA ay mapapanood simula sa January, 2015, kaya namu-problema ang mga fans nina Dingdong at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, kung paano raw makapagha-honeymoon ang dalawa dahil sa December 30 pa ang kanilang kasal sa Immaculate Conception Cathedral.

Nakakatuwa ang concern ng mga fans nina Dingdong at Marian, samantalang wala pa namang ipinahahayag ang mga ikakasal kung saan sila magha-honeymoon.

Wala pa namang advise ang GMA kung kailan magsisimula sa January, 2015 ang original artista search, but for sure, magbibigay ang network ng sche­dule para hindi nga magka-conflict sa honeymoon ng kanilang Royal Couple.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BENJAMIN ALVES

EIGENMANN

GABBY EIGENMANN

IMMACULATE CONCEPTION CATHEDRAL

KAHIT

KAPUSO PRIMETIME KING DINGDONG DANTES

ROYAL COUPLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with