^

Pang Movies

Kylie ‘biktima’ ng rape-slay!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tunghayan ang natatanging pagganap ng Kapuso artist na si Kylie Padilla bilang si Anria Galang, ang biktima ng kasong rape-slay sa Bulacan tampok sa Imbestigador ngayong Sabado sa GMA-7. 

Sa pangunguna ng batikang mamamahayag na si Mike Enriquez, alamin sa Imbestigador sa pamamagitan ng dramatization ang tunay na nangyari sa 26-anyos na si Anria Galang na natagpuang nakadapa, duguan, at wala nang buhay sa isang matubig na palayan sa liblib na bahagi ng Barangay Sapang sa Calumpit, Bulacan. 

Sa ‘di kalayuan, nakita ang ilang ebidensiyang pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa dalaga kabilang ang kadena at screw driver. Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, lumabas na hindi lamang iisang tao ang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen.  Sa tulong ng mga lumutang na saksi, natukoy ang mga suspek. Nasakote ng mga pulis ang tatlo at may isa pang pinaghahanap hanggang ngayon.  

Bukod kay Kylie, tampok rin sa episode ng Imbestigador ang Kapuso actor na si Luis Alandy at ang beteranang aktres na si Isabel Lopez.  

Samahan ang Imbestigador sa paghahangad ng katarungan at pakikiisa sa panawagan ng pagtatapos sa patuloy na pagdagdag ng papahabang listahan ng mga biktima ng walang saysay na karahasan.  Mapapanood ang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon sa bago nitong oras pagkatapos ng Startalk sa GMA 7.

 

vuukle comment

ANRIA GALANG

BARANGAY SAPANG

BULACAN

IMBESTIGADOR

ISABEL LOPEZ

KAPUSO

KYLIE PADILLA

LUIS ALANDY

MIKE ENRIQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with