^

Pang Movies

Jang Geun Suk at IU magsasama sa Pretty Man telenovela fever muling magbabalik sa Ana Manuela

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula Rosalinda, Maria Mercedes, Rubi, El Cuerpo, Mirada de Mujer, Gata Salvaje, hanggang Pasion De Amor, Ang ABS-CBN ang naging tahanan ng mga telenovelang talaga naman minahal ng maraming Pilipino.

Kaya naman simula ngayong Lunes (Aug 18), mu­ling mahumaling sa mga telenovela sa pag-uumpisa ng kwento ng magkapatid na Ana at Manuela sa Ana Manuela.

Ito ang kauna-unahang Brazilian serye na ipalalabas sa bansa bunsod ng pinagsanib na pwersa ng ABS-CBN at kilalang broadcast group sa Brazil na TV Globo. Umani na rin ito ng iba’t ibang parangal at napanood na sa North at South America, Europe, at Asya.

Tunghayan kung paano susubukin ng pagkakataon ang timbang ng pagiging magkapatid ni Ana at ni Manuela. Si Ana ay isang sikat at iniidolong tennis player na pansamantalang iiwan ang kanyang karera nang mabuntis siya ng nobyong si Rodrigo.

Hahamakin ni Ana ang lahat para sa pag-ibig ngunit hindi inaasahan na maaksidente ito at hindi magigising ng maraming taon.

Sa kanyang pagmulat, lahat ng sa kanya ay kinuha na ng sariling kapatid na si Manuela. Kasama rito ang anak niyang si Julia at pinakamamahal na si Rodrigo. Paano niya babawiin ang lahat kay Manuela? Kaya niya bang kalabanin ang sariling kadugo? Sino ang mas matimbang sa puso ni Rodrigo?

Samantala, mag-uumpisa na rin ang tambalan ng Korea’s sweetheart at K-Pop star na si IU at tinaguriang Asian Prince na si Jang Geun Suk sa Pretty Man.

Sundan ang kwento ni Marty, isang nakapagwapong lalaking kinahuhumali­ngan ng mga kababaihan. Ngunit sa kabila ng magandang mukha ikinukubli ang kakula­ngang nadarama dahil sa hindi pagkakakilanlan sa kanyang tunay na ama.

Sa kanyang kalungkutan ay biglang susulpot si Bettina, isang masayahing babae na patay na patay sa kanya. Makuha niya kaya ang puso ni Marty? Paano niya matutulungan si Marty sa kanyang misyong makilala ang ama?

Tampok bilang theme song ng programa ang single ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo na Ikaw Na Nga Yata.

Huwag palalampasin ang premiere ng Ana Manuela, pagkatapos ng It’s Showtime at Pretty Man pagkatapos ng Bistado sa Sabado sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

ANA MANUELA

ASIAN PRINCE

EL CUERPO

GATA SALVAJE

IKAW NA NGA YATA

MANUELA

MARTY

PRETTY MAN

RODRIGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with