^

Pang Movies

Isyu nina Kris at Mayor Bistek dapat nang ibaon, nakakaumay na

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - May mga nagtatanong, ano raw ba naman ‘yung isyu about Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista? Dapat tuldukan na, paulit-ulit na lang, may mga samu’t saring balita pa naman. Tama na, as in sobra na, sabi nga. Besides, wala namang nagtatanong kung ano bang naging happenings nila ni Bistek. May mga nagtatanong tuloy, totoo na naman kaya ang mga kuwentong lumalabas?

Kawawa naman kasi ang mga anak ni Bistek dahil naaapektuhan ng mga intrigang wala namang mapapala. Lalo’t pulos PDAF ang usapan ngayon. ‘Yung may pakinabang na lang pag-usapan. Please tama na po.

Diane pinupuri ng mga beterano

Todo suporta si Rodjun Cruz, sa pagbibida ng girlfriend na si Diane Medina sa pelikulang Education ng JMS Production directed by Bobby Benitez. Seven years na palang mag-on sina Rodjun at Dianne. Kaya masaya ang actor sa pagbibigay ng break ng producer na si Jovie Sebastian kay Diane. Pasado rin kay Direk Bobby Benitez ang acting ng dalaga dahil punuri rin nina Daria Ramirez, Tommy Abuel, mga batikang artista ang pag-arte ng dwoya ni Rodjun. Isang karangalan para kay Diane na purihin ng mga kilalang artista ng showbiz. Maging sina Leandro Baldemor at Rey “PJ” Abellana ay bilib kay Diane, na dating Star Magic talent. Sana naman tulungan siya ng Star Magic sa promotion ng kanyang movie dahil sila naman ang nag-build up noon kay Diane.

Nakakwentuhan din namin si Daria Ramirez at nagbalik-tanaw kami noon habang nasa shooting siya ng pelikulang Education. Noong araw kasi, na-invite namin si Daria sa isang pistahan sa Barangay Subic, sa Baliuag at ang talent fee niya ay 500 pesos at isang kabang bigas. Two songs ang kinanta niya at matagal pa namin bago nakuha ‘yung bigas. Nasa bahay kasi noong Hermano Mayor na nag-imbita at ipinakuha pa. Ngayon, magkano na ba ang talent fee ng mga artistang iniimbitahan. Halos katumbas na ito ng gastusin sa isang pelikulang indie film.

Anyway, noong araw naman, malaki na ang halaga ng 500 pesos.

Samantala sa ika-23 ng July ang grand premiere ng pelikulang Education na pelikulang pinangungunahan ni Diane Medina, sa SM North Edsa. Ika-5 ng hapon. Everybody is invited.  

PERSONAL…

Sa July 20, gaganapin ang family reunion ng mga Silverio sa resort nina Mr. at Mrs. Vivencio Bantog sa San Fernando Sur, Cabio, Nueva Ecija. Si Chingly Galang ang Hermana Mayor ng pagtitipon, na isasabay na din ika-39th death anniversary ni Ginoong Solomon Silverio Sr.           

                                                                               

 

vuukle comment

BARANGAY SUBIC

BISTEK

BOBBY BENITEZ

DARIA RAMIREZ

DIANE

DIANE MEDINA

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with