^

Pang Movies

Angel Locsin nagging pasaway sa The legal wife

Wilbur Hernandez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - When you’re an acting royalty in your generation of actors and actresses, tunay na kahintay-hintay ang anumang sasabihin mo, lalong lalo na kapag napakamatagumpay ang isang show o pelikula na pinagbibidahan mo. Totoo naman iyon ‘di ba Salve A.?

Case in point is none other than Angel Locsin. Sa Thanksgiving and Appreciation Party para sa landmark ng teleseryeng The Legal Wife na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, Lunes ng gabi, ikinatuwa at the same time medyo ikinagulat ng mga bisita ang mga revelations ng multi-awarded actress.

Looking immaculately sexy in her cream pants-dress with a criss-cross peek-a-boo backless cut na nagre-reveal ng konting skin, inisa-isa ni Angel ang mga head honchos ng network para pasalamatan sa ‘di malilimutang show, after nitong umere for three months. Naroon sina Carlo Katigbak, Lauren Dyogi, Freddie M. Garcia, Malou N. Santos, Olivia Lamasan, Charo Santos-Concio,  kumpletong production crew, at creative staff ng buong show, ipinaliwanag ni Angel kung bakit tinanggap niya kaagad ang The Legal Wife.

Pero ang ikinatuwa at kina-aliw ng lahat ay kung paano ipinaliwag ni Angel kung paano niya tinahak ang character ni Monica. Inamin niyang “alam ko po minsan talaga nagiging pasaway ako sa set kasi ang dami kong tanong tungkol sa start ng scenes. Kapag nag-usap na kami ni Direk Dado (Lumibao) or at times ni Direk Rory (Quintos), sasabihin ni Direk ‘ay dapat sa parte na ito iyung pagiging hysterical mo pasigaw, pero ‘di talaga nagwawala kasi professional na tao si Monica,” na talagang nag-demo pa si Angel sa stage. “Or at times kapag binitiwan ko iyung mga important na dialogues kailangang di raw masapawan ng kilos ng katawan ko. Or lahat ng nuances ko dapat tama ang timing.”

Sinabi pa niyang ang dami niyang tanong, marami siyang usisa at gusto niyang maniguradong may kabit sa pinanggagalingan na eksena kung ano man ang susunod na expression or mood ni Monica. Pagpapatunay lang naman Salve A. na talagang this caliber actress is bent “not to disappoint ang mga co-actors ko sa set. Kung minsan man nagtatagal ang pakikipag-usap ko sa directors namin.” Lalong-lalo na nung ipinaliwang ni Angel kung paano nila sisimulan at gagawin ni Maja ang kanilang ‘catfight scene’ na totoong inabangan ng buong bansa ang confirmedly garnered at stratospheric rating of over 36%. “Tinanong ko po kay Madge (how peers address Maja) kung gusto niya na gawin namin realistic or totohanin namin ang away scene namin, akala ko po uurong or tatanggi siya. Eh gusto niya pala sabi niya ‘sige totohanin natin!’ Napakaganda ng kinalabasan, pleased pa kami for each other so Thank you Madge sa eksena nating iyon.”

Such statement ay nagpalakpakan ang lahat sa party. Sabay biro naman ni Maja in her seat “basta kailangan lang may naka-standby na ambulansya kung magkasakitan kami,” na ikinatawa ng lahat.

Doon mo makikitang naging maganda ang bonding ng dalawang magagaling na actress na nakatulong sa tagumpay ng The Legal Wife. Don’t you agree Salve A?!

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CARLO KATIGBAK

CHARO SANTOS-CONCIO

DIREK DADO

DIREK RORY

KUNG

LEGAL WIFE

MAJA

SALVE A

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with