^

Pang Movies

Ogie ‘di apektado kahit ikumpara kay Aga

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Isang masayang Ogie Alcasid ang humarap sa entertainment press sa set visit ng Let’s Ask Pilipinas ng TV5.

‘‘Noong una nape-pressure ako dahil dating host nito si Aga Muhlach. Pero nung taping na, nawala na ang kaba at nag-enjoy na ako sa game show. Hindi maiiwasan na ikumpara ako kay Aga dahil normal lang ito. Magaling naman si Aga at enjoy siya sa ginagawa niya. He was in his element nang maging host ng show.’’

Sa edad ni Ogie ay hindi na siya namimili ng gagawing proyekto gaya nitong Let’s Ask Pilipinas kung saan maghu-host na siya at kakanta with the audience.

Ang mechanics ng show ay pareho pa rin kaya lang madaragdagan ito ng 15 minutes at magiging 45 minutes na at magsisimula ng 11:15 a.m. hanggang 12 noon.

Palabas na ito sa July 7 mula Lunes hanggang Biyernes.

Banta ng puso sa Love hotline

Magaganda ang feedback ng Love Hotline dahil bukod sa napapanahon ang kuwento ay nabibigyan pa rin ito ng linaw at payo nina Jean Garcia at May Soriano.

Ngayong Biyernes maraming makaka-relate dahil tungkol ito sa pagbabanta ng boyfriend na gusto nang hiwalayan ng nobya kung saan sobra ang pagmamahal niya sa dalaga. Guest stars sina Ryza Cenon at Mike Tan.

Kambal Sirena babu na

Tiyak na aabangan ng mga viewers ang pagtatapos ng Kambal Sirena dahil gusto nilang malaman kung anong mangyayari sa pag-iibigan nina Allona at Jun at kung matutuloy pa ang kasalan nina Kevin at Pearl. Pero babalik na sa Serenadia si Allona at dahil sa pagmamahal niya sa nobyo ay magiging sireno na rin si Jun. Dun sila magpapakasal sa Serenadia. Matutuloy na rin ang kasal nina Kevin at Pearl kung saan larawan sila ng tunay na pagmamahal at kaligayahan.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALLONA

ASK PILIPINAS

JEAN GARCIA

KAMBAL SIRENA

KEVIN

LOVE HOTLINE

MAY SORIANO

MIKE TAN

NGAYONG BIYERNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with