^

Pang Movies

Ruffa at Sarah hindi malimutan ang tawagang slut at bitch!

Wilbur Hernandez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naku my dear Salve, sa thanksgiving celebration ng pelikulang Maybe This Time, ang daming nakakaaliw at nakakagulat ding revelations at trivia among the cast and crew!

All the while nang isa-isang nagbibigay ng speech ang major cast ng pelikula dumating si Ruffa Gutierrez who instantly got the attention of the camera crew.

Kasama niya si Buboy Garovillo who is also in the film. Sinundo pa pala ni Ruffa si Buboy sa Alabang kaya natagalan ang pagdating nila pareho.

Sa speech ni Ruffa matapos niyang pasalamatan ang buong crew from the big bosses like Ms. Malou Santos and Charo Santos to the supervising producer Elma Medua, the scriptwriters hanggang sa brilliant na promotions team nila Mico del Rosario at Roxy Liquigan, binanggit ng actress na “I had so much fun doing the film kasi ang ganda ng bonding ko with the cast, nag-enjoy akong kasama si Coco at Sarah at siyempre nagkaroon pa kami ni Coco ng loveteam and it’s called ‘CocoRu’! O diba!” Na siya namang ikinapalakpak ng mga present sa party. Dagdag pa niya “at eto pa I’m the first ever to call Sarah a…’slut’ enjoy ako sa eksena naming ‘yun si Sarah” I hope Star Cinema this is not going to be the last.”

Nang si Sarah naman ang siyang nagbigay ng kanyang thank you speech, pinasalamatan niya muna ang mga big bosses, inaming nag-enjoy siyang katrabaho si Coco dahil “kilala na namin ang isa’t isa nung magkasama kami sa Idol. (2009)”. Nag-punchline din naman si Pop Princess with much subtlety plus smile nang sabihin niyang “thank you also Ms. Ruffa for calling me a slut” (laughter in the room). “Ako naman nagkaroon ng privilege na matawag si Ms. Ruffa na isang…”bitch’”…siyempre referring to their confrontations sa blockbuster hit under director Jerry Lopez Sineneng. Of course, ‘di napigilan ng ibang tao in the room to look at Sarah’s mother na si Mommy Divine who was giving a slight smile and a frozen stare. Pero siyempre bawi naman ng parehong actress ang tawagan nilang iyon sa kanilang blockbuster film.

Nang magbigay naman ng kanyang thank you speech ang mahusay na comedian, writer, at host na si Ogie Diaz who plays Mama Mae sa pelikula, ibinunyag niyang hiningan pala siya ng tulong ni Direk Jerry Lopez Sineneng kung ano ang puwede nitong gawin bilang isang cast member para mag-work ang mga eksena ni Coco at Sarah kung saan kasama siya. Importante kasi ang mga puwedeng gawin ni Ogie sa mga eksena, considering na ang kanyang karakter na si Mama Mae ay kasambahay ni Anton (Coco) ‘sa umaga, uwi sa gabi’ at botong-boto kay Tep Tep (Sarah) para sa kanyang amo.

“Bago mag-shoot ang mga eksena namin, hiningan ako ng tulong ni Direk. Tinawagan niya ako. Sabi niya, ‘Ogie tulungan mo naman ako rito. Baka naman may mga maisip kang punchlines or puwedeng mga adlib na bigla mong sasabihin para mag-work iyung mga eksena ninyo. Basta kabit pa rin sa dialogues mo.’ Sagot ako ‘ay oo naman direk, ako bahala, alalayan din kita.’ Basta huwag ko lang daw i-overdo kasi kailangan pa rin na angat na angat sina Coco at Sarah,” paglalahad ng komediyante. Very willing na gawin iyon ni Ogie dahil kasi banggit niya “naniniwala ako na ang lakas talaga ng potential ng pelikula at saka para tuluy-tuloy lang na masaya talaga ang vibe naming lahat sa shooting,” dagdag pa riyan, major role rin si Ogie kung tutuusin dahil nga full-contract pala siya sa blockbuster na ito. Ang taray di ba!               

 

vuukle comment

AKO

BUBOY GAROVILLO

MAMA MAE

MS. RUFFA

NAMAN

OGIE

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with