^

Pang Movies

Habang nasa kulungan si Bong Bryan tatayong padre de pamilya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kahit nakulong ang kanyang tatay na si Senator Bong Revilla, Jr., sinabi ni Bryan na may magandang nangyari sa kanilang pamilya.

Si Bryan ang panganay na anak nina Bong at Lani Mercado. Pumayag si Bryan na magpainterbyu kahapon habang nasa Sandiganbayan sila ng kanyang pamilya.

Sinabi ni Bryan na ang pagiging malapit nila sa Diyos ang pinakamaganda na nangyari sa kanilang pamilya at nagsimula ito nang idawit sa pork barrel scandal ang tatay niya.

Si Bryan na ngayon ang tumatayo bilang padre de pamilya habang nakakulong sa Camp Crame si Bong.

Si Bryan ang chief of staff ni Lani sa opisina nito at kahit noong hindi pa nakakulong si Bong, siya na ang pinagkakatiwalaan ng buong pamilya.

Bong never naisip na nasa kulungan

Surreal na surreal ang pakiramdam ko habang pinapanood ko sa TV ang kusang-loob na pagsuko ni Bong sa Sandiganbayan.

Tama ang kanyang sinabi na kahit sa panaginip, hindi niya inisip na darating ang araw na makukulong siya.

Nasaktan man si Bong, alam ko na naniniwala siya na may dahilan kaya naganap ang nangyari.

Walang nakakaalam kung hanggang kailan siya mananatili sa kulungan pero nananalig ako na darating ang araw na makukuha niya ang hustisya na pinakakahintay.

Anak ni Jinggoy gustong sumama sa selda

Ngayong nakakulong na si Bong, ang pagsuko ni Senator Jinggoy Estrada ang inaabangan.

Nakakapagbiro pa si Papa Jinggoy tungkol sa kanyang nalalapit na pagkakabilanggo at kung meron man siya na inaalaala, ito ay ang bunsong anak na si Jill na nag-dialogue na gusto nito na samahan sa kulungan ang ama.

Napakabata pa ni Jill para maintindihan nito ang nangyayari sa tatay niya.

Sen. Enrile nanahimik

Pinaka-relaxed sa lahat ng mga akusado si Senator Juan Ponce Enrile.

Hindi makikita sa mukha ni Senator Enrile na worried siya o nalulungkot.

 May mga nagsasabi na nakakabahala ang pagiging tahimik ni Senator Enrile na isa sa mga pinakamatalino na senador.

Gardo hindi nababakante

Ang kanyang live in partner pala ang bagong manager ni Gardo Verzosa at ito mismo ang nagkuwento sa akin nang magkita kami sa parking lot ng GMA 7 pagkatapos ng presscon ng Dading.

Nagpapasalamat si Gardo dahil hindi siya nawawalan ng mga project sa bakuran ng Kapuso Network. Hindi pa raw natatapos ang taping niya para sa Rhodora X nang matanggap niya ang offer na gay role para sa Da­ding.

Nagustuhan ni Gardo ang project kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Ang karakter ni Gardo sa Da­ding ang isa sa mga pinalakpakan sa presscon ng bagong afternoon teleserye ng GMA 7.

Elizabeth hindi umasa sa suporta ng dating asawang ubod ng yaman

Nakalimutan na ng publiko na naging asawa ni Elizabeth Oropesa ang Chinese action superstar na si Meng Fei.

In love na in love noon si Meng Fei kay Oro na iniwan ang showbiz career dahil pinili niya na maging housewife ng sikat na Chinese actor.

Matagal na nanirahan sa Hong Kong si Oro pero nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nila ni Meng Fei.

Gabriel ang panganay ng one and only son nina Oro at Meng Fei. Nang magkita kami ni Oro sa presscon ng Kamkam, ikinuwento niya na hindi siya humihingi ng suporta mula kay Meng Fei as in solo ang kanyang pagta­taguyod at pagpapaaral sa kanilang anak.

Super yaman ni Meng Fei pero never na umasa si Oro sa kanyang kayamanan.

vuukle comment

BONG

GARDO

MENG FEI

ORO

SI BRYAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with