^

Pang Movies

Sen. Jinggoy pakukulong na kahit wala pang warrant of arrest

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi ikinagulat nina Senator Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada ang pagbasura ng Ombudsman sa motion for reconsideration nila na may kaugnayan sa plunder case na ibinibintang sa kanila.

Lumabas kahapon ang balita na ibinasura ng Ombudsman ang MR ng dalawa na parehong hindi nabigla. Nagsalita nga si Papa Jinggoy na kahit wala pa ang warrant of arrest, ready na siya na magpakulong dahil sa kanyang paniniwala na moro-moro lamang ang lahat.

Sinabi naman ni Atty. Joel Bodegon na kitang-kita na biased at prejudiced ang Ombudsman laban kay Bong. Si Bodegon ang legal counsel ni Bong sa plunder case.

Nagpahayag din ng sadness si Bodegon dahil ang feeling niya, parang hindi binasa ng Ombudsman ang kanyang inihain na  motion for reconsideration.

Freddie Aguilar sumabog na sa TV tour ni Maegan

Hinintay ni Freddie Aguilar na matapos ang television tour ng  kanyang anak na si Maegan Aguilar bago siya nagsalita tungkol sa kanilang alitan.

Exclusive na nagsalita si Ka Freddie sa Startalk at mapapanood bukas ang kabuuan ng panayam sa kanya.

Isa-isang sinagot ni Ka Freddie ang mga akusasyon ni Maegan. Ang sey ni Ka Freddie, itinuturing niya na kaibigan ang lahat ng kanyang mga anak kaya ikinalungkot niya ang pagsasalita ni Maegan sa media.

Halata sa boses at mata ni Ka Freddie ang lungkot dahil miss na niya ang mga apo kay Maegan na nagsalita nang tapos na hinding-hindi na makikipagkakasundo sa tatay niya.

Gov. ER hindi pa sumasagot sa P1 bilyon na utang

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang bumaba sa puwesto si ousted Laguna Governor ER Ejercito pero headline pa rin siya ng mga balita.

Courtesy ng bagong Laguna governor na si Ramil Hernandez ang  isyu na kinasasangkutan ni Papa ER.

Tungkol ito sa isang bilyong piso na utang ng lalawigan ng Laguna na iniimbestigahan ni Hernandez.

Hindi naman pinagbibintangan ni Hernandez si Papa ER. Gusto lamang niya na malaman ang mga proyekto na pinaggamitan ng inutang na isang bilyong piso.

Hindi pa sumasagot si Papa ER. Hinihintay ng mga kababayan niya sa Laguna ang kanyang sagot sa discovery ng kanyang bise-gobernador na itinalaga ng COMELEC bilang bagong ama ng kanilang lalawigan.

Anak nina Richard at Sarah pasok na sa newsmaker of 2014

Hindi na mapipigilan ang pagharap ni Richard Gutierrez sa entertainment press na excited nang magtanong sa kanya tungkol kay Baby Zion, ang anak nila ni Sarah Lahbati.

Magiging visible na uli sa TV si Richard dahil sa promo ng Overtime, ang action movie niya sa GMA Films na showing sa mga sinehan sa July 2.

Inihahanda na ng GMA 7 ang series of interviews para kay Ri­chard na ready nang mag-share sa publiko ng mga karanasan niya bilang first time father.

Hindi lang ako sure kung magkukuwento si Richard tungkol sa bansa o lugar na pinagdalhan nila kay Baby Zion kaya walang ebidensya na lumabas na mga magulang na sila ni Sarah.

May narinig ako na kuwento na nakapagbiyahe na ang bagets sa California pero walang pruweba, maliban sa claim ng source na sobrang cute ng anak nina Richard at Sarah.

Ang pag-amin nina Richard at Sarah na mga tatay at nanay na sila ang biggest showbiz news sa first half ng 2014. Kasali na sila sa listahan ng mga newsmaker ng 2014.       

 

vuukle comment

BABY ZION

FREDDIE AGUILAR

HERNANDEZ

JINGGOY ESTRADA

KA FREDDIE

MAEGAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with