^

Pang Movies

Maegan matigas na ang puso sa ama

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nalungkot ako nang mag-final goodbye si Maegan Aguilar sa kanyang tatay na si Freddie sa live guesting niya kahapon sa Startalk.

Matigas na ang puso ni Maegan na umamin na siya ang black sheep ng pamilya. Hindi na raw niya mapapatawad  at matatanggap si Ka Freddie, kahit makipagbati ito sa kanya.

Ang lalim-lalim ng sugat na nilikha ng bulok na gulay na pinag-awayan ng mag-ama. Ni hindi masabi ni Maegan ang pangalan ng gulay na nabulok sa refrigerator sa kuwarto ni Ka Freddie dahil hindi raw niya nakita.

Hindi tuloy nasagot ni Maegan ang tanong ni Papa Joey de Leon kung kasali sa lyrics ng Bahay Kubo ang nabulok na gulay.

Dedma rin si Maegan sa pakiusap ng kanyang Tita Marlene Aguilar na tigilan na ang pagsasalita laban kay Ka Freddie.

Ang sabi ni Maegan, nagmana lang siya sa tatay at tiya niya. Hate raw siya ni Ka Freddie dahil nakikita nito ang sarili sa kanya.

At dahil wala na siya sa poder ni Ka Freddie, desidido si Maegan na maghanap ng trabaho dahil hinding-hindi na raw siya babalik sa tahanan ng kanyang ama.

Hindi nagpaunlak na magpainterbyu sa Startalk si Ka Freddie pero inihingi niya ng paumanhin sa publiko ang mga maaanghang na salita ng kanyang anak.

Pero sa kabila ng hindi pagsasalita ni Ka Freddie, may side comment pa rin si Maegan. Iba raw ang ugali na ipinakikita sa mga tao ng kanyang ama sa ugali nito sa loob ng kanilang pamamahay.

Butch pinipilit maging normal kahit kamamatay ng ina

Maraming nakagugulat na nangyari kahapon sa studio ng Startalk. Una, na-shock kami dahil hindi namin alam na nagluluksa si Butch Francisco dahil pumanaw ang nanay niya.

Kung hindi pa sinabi ni Butch sa ere na namatay na ang kanyang ina, clueless kaming lahat. Pinilit ni Butch na maging normal kahapon pero halatang-halata sa mga mata niya ang sobrang kalungkutan.

Joey naiyak kay Coney

Isa pang shocking ang hindi namin ini-expect ay ang pag-iyak ni Papa Joey de Leon sa interbyu niya kahapon kay Coney Reyes na nagbabalik sa GMA 7 via Ang Dalawang Mrs. Real.

Napaiyak si Papa Joey nang sabihin niya na may siyam na salita siya para kay Coney, ang sina Tito, Vic at Joey, kasama pati si Coney.

Parehong naging teary-eyed sina Coney at Papa Joey. Tears of  joy dahil obvious na na-miss ni Papa Joey si Coney na dating co-host nila sa Eat Bulaga.

Connie mahal pa rin si Vic

Hindi nagpanggap si Coney nang sabihin nito na may puwang pa rin sa puso niya si Vic Sotto, ang ama ng kanyang anak na si Vico.

Malinaw naman ang sabi ni Coney na tatay pa rin si Vic ng kanilang anak kaya mahal pa rin niya si Bossing.

Marami ang nagsabi na may hawig kay Coney si Pauleen Luna, ang girlfriend ngayon ni Bossing. Agree ako sa observation dahil magkahawig nga ang dalawa. Puwede silang gumanap na mother and daughter sa mga teleserye at pelikula. ‘Yon eh kung papayag sina Pauleen at Coney.

Puwedeng artista si Vico, ang anak na bunso ni Coney kay Bossing. Med­yo hawig si Vico sa kanyang Kuya Oyo na anak naman ni Bossing kay Dina Bonnevie.

Namana ni Vico ang karisma ng kanyang mga magulang at kung sakaling mag-decide siya na pumasok sa showbiz, t­iyak na magkakaroon siya ng maraming fans.

                                            

vuukle comment

CONEY

DAHIL

KA FREDDIE

KANYANG

MAEGAN

NIYA

PAPA JOEY

VICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with