^

Pang Movies

Heart gustong ipinta nang hubad si Sen. Chiz

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dahil karamihan sa paintings ni Heart Evangelista ay mga babae, natanong namin siya kung kaya niya bang ipinta ang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero.

“Sabi nga nila, kung pine-paint ko raw si Senator, but I’m just fond of painting girls. But maybe I’ll work on it. I’ll try,” say niya.

Tinanong din namin siya kung keri niyang mag-paint ng nude at kaya naman daw.

 â€œMarami na rin akong dati, kaya lang marami rin akong paintings na nasunog din, eh, nung nasunog ‘yung bahay namin,” say niya.

Kaya rin ba niyang i-paint nang nude ang boyfriend?

“Oh my God, hindi ko lang alam. Pero siguro, parang gusto ko, akin na lang ‘yung view na ‘yun,” aniya.

Sa mga artista naman daw natin, ang gusto niyang ipinta ay si Solenn Heussaff, not necessarily nude, though.

 â€œI’d love to paint Solenn. I actually have a small painting, kamukha ni Solenn. Ang ganda niya, eh,” say pa ni Heart.

 

JC ayaw maki-level kay Echo

Kahit marami ang pumupuri sa acting ni JC de Vera sa The Legal Wife, never na naisip ng aktor na kapantay na niya ang kasamahang aktor sa serye na si Jericho Rosales.

Napaka-humble nga niya sa pagsasabing ‘yung tatlo (Echo, Angel Locsin and Maja Salvador) lang daw ang talagang nagsasalpukan sa pag-arte.

“Magaling talaga ‘yung tatlo,” he said.

How about him? Hindi ba niya napi-feel na kasama siya sa pinag-uusapan sa The Legal Wife?

“Hindi naman. Kasama ako pero alam ko sa sarili ko na gusto kong suportahan itong tatlong ito,” say niya.

Say pa niya, hindi raw siya lalaban sa tatlong co-stars niya when it comes to acting dahil magagaling na raw talaga ang mga ito.

“Ang pinaka-advantage nu’n for me, nagge-gain ako ng confidence kasama ang magagaling na aktor na siyempre, kaeksena mo sila palagi, matutulungan ka nila na matuto,” he said.

So, ang feeling ba niya, mas magaling sa kanya si Echo?

“Oo. Veteran na ‘yan, eh. As in isa siya sa mga kilala ko na actors na very versatile talaga, na talagang magaling.”

Sa Moon of Desire naman ay leading man si JC ni Meg Imperial at napapanood naman ito tuwing hapon. Saang serye siya mas maingay at mas kilala ng tao kapag lumalabas siya?

“Both. Depende sa oras. Halimbawa, nakita nila ako sa hapon, tatawagin ako ng Jeff (karakter niya sa MOD), ‘pag gabi, Max (karakter niya sa TLW) na,” natatawa niyang say.

Hindi ba siya nalilito sa dalawang karakter niya?

“Hindi naman. Maganda ‘yung dalawang karakter kasi. Actually, maganda ‘yung karakter ko sa The Legal Wife kasi puwede siyang laruin. Hindi siya nakakahon lang kasi. Puwede pa siyang lumaki, puwede pa siyang lumiit, alam mo ‘yun?”

May something ba sa kanila ni Meg?

Natawa si JC. “Wala, wala naman. All work lang talaga. Hindi nga kami masyadong nakakapag-usap sa taping. Nagkikita lang kami sa set na. Kasi may kanya-kanya kaming buhay ‘pag ano,” say pa niya.

Hindi ba niya type si Meg?

“Alam kong maganda siya, alam ko na pleasing ‘yung personality niya, kaya lang, hindi talaga sumasagi ang love ngayon, kasi, wala, eh. Ako nga, naaawa na ako sa sarili ko minsan, eh,” he said.

Two years na raw siyang walang girlfriend at si Danita Paner pa ang huli niya. Wala rin daw fling-fling.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN AND MAJA SALVADOR

CHIZ ESCUDERO

DANITA PANER

HEART EVANGELISTA

LANG

LEGAL WIFE

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with