^

Pang Movies

Donita gusto na agad umuwi ng Amerika!

SO..CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Miss na miss na ni Donita Rose ang kanyang mister na si Eric Villarama dahil nandito siya sa Pilipinas para gawin ang daily show na Basta Every Day Happy.

Humiling raw ang mister ni Donita na every month ay umuwi ito sa Las Vegas para magkasama sila. ‘Yun nga ang gustong gawing arrangement ni Donita with the people behind the show.

 â€œWe’re still in talks about that. I know that it will be parang mahirap din for me to fly in and out every month. Tapos daily pa ang show namin.

 â€œI pray that we make a good arrangement. I have this commitment with GMA and I also have a commitment to my family in another country.

 â€œSana nga maayos namin ito with the help of God,” ngiti pa ni Donita.

Bago tanggapin ni Donita ang Basta Every Day Happy ay isa na siyang chef sa isang five-star hotel in Las Vegas. Kuwento nga niya na nagsimula raw siya sa pinakamababang posisyon dahil ‘yun ang gusto niya.

“Hindi ko dinala ang pagiging celebrity ko sa naging work ko doon.

“Even if some of the staff knows me and treats me as such, I always say na huwag silang gano’n sa akin. Treat me normally. Pare-pareho lang kaming nagtatrabaho roon.

 â€œSaka I want to really work hard. When I started kasi in showbiz when I was 15, everything was given to me on a silver platter.

 â€œThis time, I went on my own as an employee and I was really happy doing it for such a long time.”

Naging at home raw agad si Donita sa company ng mga co-hosts niyang sina Gladys Reyes, Alessandra de Rossi at Chef Boy Logro.

“Positive kaming lahat at sa taping namin ay laging masaya. I have never been in a much happier show tulad nito.

 â€œKahit na ang mga staff, lahat sila ay masasaya kaya commitment naming pasayahin lahat ng televiewers everyday.”

Apo ng dating sikat na aktres na si Chloe Dauden pumayag patalop sa men’s mag

Apo nang isa sa sikat at magandang Sampaguita star na si Marlene Dauden ang bagong cover girl ng FHM for the month of May na si Chloe Dauden.

Sobrang daring ang pictorial ni Chloe para sa naturang men’s magazine kaya kinakabahan daw siya sa magiging reaction ng kanyang lola na sa US na nakatira.

“I do not know what her reaction will be. Pero sana positive naman kasi the photos are artistically shot. Hindi naman bastusin.

“Hindi ko naman tatanggapin ang photo shoot na ito kung alam kong mao-offend ako after.

 â€œSo I guess, magugustuhan din ito ng lola Marlene ko,” ngiti pa niya.

Twice nang sumali sa beauty pageant si Chloe at gamit niya ang name na Chloe McCulley.

Una ay sa Bb. Pilipinas in 2011 kung saan wala siyang nakuhang place.

Sumunod ay sa Miss World-Philippines 2011 kung saan naging runner-up siya at nakakuha nang management contract sa GMA Artist Center.

Ngayon daw ay nag-expire na ang kontrata niya with GMA7 kaya ang Viva Artist Agency na ang may hawak sa kanya.

Ready na nga raw magpa-sexy sa pelikula si Chloe. Wala na raw siyang itatago dahil halos nakita na ang lahat sa kanyang cover sa FHM.

 â€œNasa tamang-edad naman na ako. I’m already 24 years old. I can make my own decisions na. Kung sexy image ang gusto ng VAA for me, then we have to make it a good one.

 â€œNa-experience ko naman na ang magpakita ng sexiness on TV when I did the second season of Pantaxa for Viva Channel.

 â€œIn a way ready na talaga ako.”

Dream leading men nga ni Chloe sina Gerald Anderson at Enrique Gil.

 â€œMahilig lang ako sa mga mestizo. Tsaka may height din sila para hindi awkward.

 â€œI stand 5’8” kasi kaya dapat ang makakatabi kong guy kailangan mas matangkad sa akin. Kaya perfect sila Gerald at Enrique, ‘di ba?” pagtatapos pa ni Chloe Dauden.

JC maligaya ang sex life kahit walang GF

Kahit raw two years nang walang girlfriend si JC de Vera, hindi naman daw siya natitigang pagdating sa personal niyang pangangailangan.

Natatawa ngang sinabi ni JC na nakakagawa raw ng paraan ang kahit na sinong lalaki para sa matinding pangangailangan na iyon ng kanilang katawan.

“Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan. Basta kaming mga lalaki, nakakahanap kami ng paraan. Hindi naman puwede pati iyon ay bakante din!” sabay tawa pa niya.

Pero lately daw ay puro trabaho si JC. Da­lawa ang kanyang shows sa ABS-CBN 2 na The Legal Wife at Moon of Desire.

Na-depress daw si JC noong panahon na wala siyang work. Inakala nga niya na katapusan na iyon ng career niya.

 â€œNag-worry talaga ako kasi nasanay akong magtrabaho noon ng sunud-sunod noong nasa GMA7 at TV5 ako.

“Tapos biglang nawala. Magandang timing na dumating si Tito Leo (Dominguez) at hinawakan niya ang career ko. Kaya napunta ako sa Dos.

“Ngayon masaya na ulit tayo. Nawala ang depression ko.”

Kasama nga rin pala si JC sa romantic-comedy film ng Regal Entertainment na So It’s You na showing pa rin sa mga sinehan. Kasama niya sina Carla Abellana at Tom Rodriguez dito.

vuukle comment

AKO

APO

BASTA EVERY DAY HAPPY

CHLOE

CHLOE DAUDEN

DONITA

LAS VEGAS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with