^

Pang Movies

Young actor, sinapok ng GF sa harap ng mga kainuman

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

 Turn-off ang res­petadong komedyante sa inasal ng girlfriend ng isa nilang cast sa TV series dahil harap-harapan na sinapok ng young actress sa mukha ang nobyo.

Ang siste, ayaw palabasin ng kuwarto ang BF ng young actress, pero hindi makatanggi ang aktor nang mismong ang sikat na komedyante na ang nagyaya sa kanyang uminom ng light beer lang naman.

Nadatnan ng young actress ang BF sa isang sulok na nag-iinom at biglang walang pasintabi ang aktres sa kilalang komedyante na kainuman ng nobyo na sinapok nga ang BF.

Tumahimik lang ang nobyo dahil sa napahiya ito sa harap ng respetadong komedyante at ibang nakakita sa eksena. Pinangaralan naman ng komedyante ang young actor sa nangyari. Nag-break ang dalawa dahil sa insidente kaso isang araw lang pagbalik nila ng trabaho, sweet na uli ang sikat na mag-love team ng network. Nakarating sa manager ng young actor ang insidente at nakiusap na lang sa mga nakakita na huwag nang ikalat ang nangyari dahil kawawa naman daw ang kanyang alaga.

Keana selos nang selos sa karelasyong pinaaral

 Hanga si Direk Jorec Racuiza sa pagiging professional pagdating sa trabaho ni Keana Reeves, isa sa bida ng indie film na Magtiwala Ka.

Kasama ni Keana sa movie ang on and off niyang nobyo na si Kevin Mercado. Wala raw angal si Keana sa shooting kahit mahihirap ang kanilang eksena at makikita mo raw na totoong tao, kaso napakaselosa raw ng sexy actress kaya away at bati ang drama ng magdyowa. Pero pagharap naman daw ng kamera ay parang walang lovers’ quarrel ang dalawa sa kanilang take, dahil professional silang magtrabaho.

  Tubong  Western Samar pala si Direk Jorec at pumunta siya after two days sa kanilang bayan sa Bassey nang nanalasa ang bagyong Yolanda. Nanlumo siya nang makita ang kanyang bayan at ang totally washed out na bahay nila na winasak ng bagyo. Nagkakahalaga pa naman daw ang bahay nila sa probinsiya ng P4.6 M  dahil dito raw niya ininvest ang lahat ng kinita niya sa paggawa ng movie sa loob ng anim na taon. Umabot daw kasi sa 30 ft ang taas ng tubig ng bagyong Yolanda, pero pasalamat pa rin siya dahil ligtas naman ang kanyang buong pamilya.

  Promise ni Direk Racuiza na magugustuhan ng mga manonood ang Magtiwala Ka movie na alay din sa biktima ng trahedyang Yolanda, produced by Crystal Audio Production. Kaya naman hindi nagkait ng tulong ang San Miguel Corporation, Phil Airlines, at iba pang sponsors para mabuo ang pelikulang ito.

  Bida rin sa indie film na ito si Andrea del Rosario at may cameo role rin si Dr. Manny Calayan.

Ang Redemption Band naman ang kumanta ng theme song na pinamagatang Lilipas sa pangunguna ni Den Ibañez. Target ipalabas ang Magtiwala Ka ngayong May 25 sa lahat ng theaters na tinatapos na lang ang pag-edit sa movie.

 

vuukle comment

ANG REDEMPTION BAND

CRYSTAL AUDIO PRODUCTION

DAHIL

DEN IBA

DIREK JOREC

KEANA

MAGTIWALA KA

NAMAN

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with