^

Pang Movies

Angel, gwardyado na ni Luis sa taping

Maryrose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatunayan ng mag-sweetheart na sina Angel Locsin at Luis Manzano na totoong nangyayari ang ‘love is lovelier the second time around’ dahil ito ang nagaganap ngayon sa takbo ng relasyon nila. Sa katatapos na birthday ni Luis noong April 21 ay isang surprise birthday party ang inihanda ng aktres para sa TV host-actor.

“Nakahingi ako ng break sa The Legal Wife kasi Monday naman. Sabi ko, first time lang naman ako hihingi ng break, kunin ko na ‘to.

“Nagplano kasi ako ng surprise kay Luis that time. So, okay naman, successful naman.

“Naiyak siya. Happy ako. Sulit lahat ‘yung hirap.

“Sayang lang wala sila Tita (Vilma Santos) ‘tsaka sila Tito (Edu Manzano) kasi nasa America sila ‘tsaka nasa Turkey.

“Maybe next year, baka kami ang magplano kung ano’ng gagawin,” sey ng bida ng Legal Wife na si Angel.

Base sa Instagram post ni Luis noong gabing iyon ay halatang na-appreciate nito nang husto ang effort ni Angel.

Samantala, noong April 23 ay si Angel naman ang nag-celebrate ng kanyang 29th birthday at tiyempo namang nasa taping siya noon upang kunan ang heavy drama scenes ng The Legal Wife.

Aminado si Angel na nahirapan siyang balansehin ang kanyang emosyon dahil panay ang iyak niya sa mga eksena, gayung sa tunay na buhay ay sobrang saya niya nang bisitahin siya ni Luis sa location set ng soap.

Sa Instagram post ni Luis noong April 23, ibinahagi niya ang larawan nila ni Angel kung saan hinalikan niya sa pisngi ang aktres.

Kalakip nito ay ang caption na ito: “Happy happy birthday to my unbelievable young lady, my girlfriend, my Kiti@therealangellocsin :) i became a fan of destiny when you came back into my life :) happy birthday love ko!!!”

Patuloy na kuwento ni Angel tungkol sa pagbisita ni Luis sa on-location taping ng The Legal Wife, “Dahil nga bawal akong maging masaya masyado, may usapan kami na, ‘Huwag mo ako masyadong pasayahin. ‘Pag masaya ako, hindi ako makakaiyak nito.’

“Kasi yun talaga ‘yung moments na nahuli na ng character ko na may affair ang asawa (Jericho Rosales) at best friend (Maja Salvador) niya.

“So, nagpunta siya sa set, dumalaw siya sa Subic.

“Nagdala siya ng cakes para sa staff. Nagbigay siya ng gift (sa akin). ‘Tapos the next day, dumalaw siya ulit.

“Binantayan lang niya ako kasi usually nagkaka-migraine ako ‘pag mara-ming iyakan na eksena.

“Kinamusta-kamusta lang niya ako.”

Meanwhile, dahil nga second time around na ang relasyon nila ni Luis, masasabi  ba niyang this time ay pang-matagalan and eventually ay sa simbahan na ang end up nila ni Luis? “Yung pag-uusap namin. Kasi masyado kaming assuming dalawa.

“Isang sabihin mo, iba yung interpretation ko, iba yung interpretation niya. So, dun kami nagka-clash lagi.

“Hindi kasi kami matanong, e. ‘Tsaka ayaw namin pag-usapan ‘pag problema na. Ayaw namin ‘yung mga issues.

“Ngayon, na-realize naming kailangan pala ‘yun paminsan-minsan.”

Aminado naman si Angel na hindi talaga siya ang tipo ng babae na inihahayag sa publiko ang detalye ng kanyang relasyon.

Ngunit natutunan daw niyang walang masama kung maging bukas siya tungkol sa kanyang love life. 

 

vuukle comment

AKO

AMINADO

ANGEL

ANGEL LOCSIN

LEGAL WIFE

LUIS

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with