^

Pang Movies

Anak ni Mark isusunod na sa kanyang apelyido

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang ipaglaban ni Mark Herras ang kanyang baby Ada alang-alang sa karapatan ng bata na maging pribado ang buhay. Kaya naman nang pasyalan namin ang aktor sa taping ng Rhodora X , ipinasilip niya ang ilang pics ng anak pero nakiusap na huwag kunan.

“Karapatan din niyang magkaroon ng private life!” rason ni Mark.

Eh pagdating sa ina ng bata, meron na silang unawaan na ang kapakanan ng bata ang priority nila.

“No more, no less! That’s all!” saad ng aktor.

No more sex too?

“Hahaha! Wala akong promise at alam nung girl na ‘yung baby lang talaga ang aayusin namin!” sey pa niya.

Biglaan ba ang pagkakaroon ng baby?

“Actually gusto ko nang magkaroon ng baby! Matagal ko nang gustong magkaroon ng baby. Sa lahat nang nangyari sa buhay ko, ito ‘yung hindi ko pinagsisihan!

“Hindi dahil....okey nasaktan ko ang family ni Ynna. Pero hindi na ako bata,” sabi pa ni Mark.

Maging ang dating girlfriend na si Jennylyn Mercado ay pinaglihiman niya, huh!

“Hindi. Siguro magulo lang ang utak ko! Para mahinto na rin pagtatanong tao, pagdidenay ko!

“Parang once and for all at tinapos ko ang usapan!” katuwiran ng young actor.

Kumusta ang relasyon nila ng  girl?

“We’re okey. Araw-araw pinadadalhan niya ako ng pictures ng bata! That’s all!! Wang relationship!” Tugon niya.

Ngayong buwan nakatakdang binyagan ang anak ni Mark pero mas paghahandaan daw niya ang unang birthday ng kanya Ada Sofia Nicolette na sa surname niya isusunod once maayos ang kailangang papeles.

vuukle comment

ADA

ADA SOFIA NICOLETTE

ARAW

BIGLAAN

HAHAHA

JENNYLYN MERCADO

MARK HERRAS

NIYA

RHODORA X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with