Angelica at Jayson dodoblehin ang tawanan sa Aquiknow and Aboonduh Tonight
MANILA, Philippines - Malapit nang dumoble ang tawanan tuwing weekend, lalo na’t gaganap na sina Angelica Panganiban at Jayson Gainza bilang Krissy at Tito Vhoy sa isang bagong spoof na lalabas ngayong Sabado (Abril 5) sa Banana Split: Extra Scoop.
Sina Angelica at Jayson ay nagbigay-buhay na sa mga karakter nina Krissy at Tito Vhoy, ngunit ginawa nila ito sa dalawang magkahiwalay na bahagi ng kanilang comedy program. Ngayong Sabado, magsasama na sa wakas sina Krissy at Tito Vhoy sa isang segment, ang Aquiknow and Aboonduh Tonight.
Lalabas bilang unang guest nila sa bagong segment ang dating counsel ni Janet Lim-Napoles na si Atty. Lorna Kapunan.
Maliban sa pag-launch ng Aquiknow and Aboonduh Tonight, may handa ring mga Summer-themed na sketch at nakakatawang gags ang Banana Split: Extra Scoop ngayong Sabado.
- Latest