^

Pang Movies

Tessie inuna ang commitment sa iba kesa sa kasal ng kaisa-isang anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - The Philippine Star

Hindi namin nakakuwentuhan si Ms. Tessie Tomas noong press launch ng Kambal Sirena na gumaganap siya bilang mahigpit na lola ni Louise delos Reyes. Nais pa naman namin siyang matanong tungkol sa pagpapakasal ng kanyang anak na si Robin Tomas sa boyfriend nito sa New York noong Dec. 20.

Oo at ikinasal si Robin sa lawyer-boyfriend nito of 10 years na si John Cocchiarella. Kinasal nga ang dalawa sa City Hall in downtown Manhattan sa New York City, USA.

Isang New York-based designer si Robin at ang kanyang label na Tomas ay nasa ilang malalaking stores sa NYC.

Balita kasing hindi nakadalo si Tessie sa kasal ng kanyang anak dahil may prior commitment ito sa London, England. Pero matagal nang kilala ni Tessie ang boyfriend ng kanyang anak at masaya raw ito sa pagpapakasal nila.

Isa lang sa mga gay couple sina Robin at John na nagpakasal sa Big Apple nang mapayagan na ang same-sex marriage sa naturang state. Nabalita pa sa New York Times ang pagpapakasal nila.

Ayon pa kay Robin, mahirap daw ang ma-penetrate ang New York Times lalo na sa wedding section nito. Kaya tuwang-tuwa sila nang mabalita ang pagpapakasal nila.

Knowing Tessie, all out ang suporta niya sa kanyang anak ever since. Nag-iisang anak nga lang ito ng aktres kaya lahat ng gusto nito ay ibinigay niya.

Alam nga ni Robin na malaking issue pa rin ang same-sex marriage sa ating bansa. Nagpapasalamat na lang siya na meron siyang mapagmahal na ina na naiintindihan siya.

“There will be many sides. People will like what we did. People won’t like what we did. This is great for equality for everyone, I don’t know if it will happen anytime soon in the Philippines or if it will happen. Just don’t lose hope, just love. Surround yourself with your loved ones and don’t focus on the negative.”

 

Cristina ibinuking na natutulog pa rin si Venus sa tabi ng ina

Balik sa pag-produce ng TV show ang businesswoman na si Cristina Decena at kasama nga niya si Venus Raj sa show nila sa GMA News TV na Business Flight.

Hindi na bago sa pag-produce ng TV show si Cristina dahil siya ang producer noon ng reality-comedy series na Mommy Elvie@18 na nakatatlong seasons sa GMA News TV.

“Kung hindi lang namaalam si Mommy Elvie (Villasanta), malamang ay naka-dalawang seasons pa kami.

“Noong magkasakit kasi si Mommy Elvie, halos natapos na rin namin ang fourth season ng show niya. Kaso kinuha na siya ni Lord kaya hindi na namin nilabas pa.

“Pero kung buhay pa nga si Mommy Elvie, baka may sixth season pa kami kasi mataas ang ratings ng show niya,” saad pa ng businesswoman.

Dalawang taon ding hindi nag-produce ng TV show si Cristina at nag-concentrate ito sa kanyang real estate business. Ngayon ay balik-TV siya dahil na-miss nga raw niya ito.

“Maganda kasi ang concept ng Business Flight kaya naging ganado ulit ako na mag-produce. ’Tapos isa pa ako sa hosts kasama si Venus Raj.

“Si Venus ay nakakatuwang kasama. Nag-bonding kami sa Japan kasi roon kami nag-shoot ng pilot episode namin. One week din kami roon at mas nakilala ko siya.

“Nalaman ko na very close si Venus sa kanyang ina at magkatabi pa rin silang matulog hanggang ngayon. Pareho kaming malapit sa ina at, tulad ko, ako nag-aalaga sa mother ko at kasama ko siya sa bahay,” sabi ni Cristina.

Puro sa success stories ng mga Pinoy abroad ang tatalakayin ng Business Flight. At sa pilot episode nga on March 23, ipapasyal din nina Cristina at Venus ang mga manonood sa ilang lugar sa Japan na hindi madalas mapuntahan ng mga Pinoy.

 

Prince Harry ginawa nang opisyal ang relasyon sa anak ng sosyalera

Lumabas na in public ang karelasyon ni Prince Harry na si Cressida Bonas. Ginawa na nilang official ang kanilang relasyon after ng ilang buwan na umiiwas na makita silang magkasama.

Magkasama ang dalawa sa isang national rugby match between England and Wales sa Six Nations Rugby Match in Twickenham.

Doon ay maraming photographers ang kumuha ng kanilang litrato at sinabi na nila na official na ang kanilang relationship.

Senyales ito na mukhang ready na ang 29-year-old prince na mag-settle down. Noong July 2012 pa raw nagkaroon ng relasyon ang dalawa pero naging maingat silang walang makakaalam nito muna.

May plano nang isama ni Harry si Cressida sa kanilang summer holiday with Queen Elizabeth II sa kanilang Balmoral estate in Scotland.

Nag-aral sa University of Leeds in northern England si Cressida Bonas at nagtatrabaho ito sa isang marketing firm in London, England.

Nagkakilala sila ni Prince Harry through his cousin Princess Eugenie.

Ang ina ni Bonas ay si Lady Mary-Gaye Curzon na isang London socialite during the ’60s. Ang lolo ni Bonas na si Richard Curzon ay isang earl.

Ang ama ni Bonas ay ang entrepreneur na si Jeffrey Bonas na chairman ng haberdashery company, MacCulloch & Wallis.

vuukle comment

BUSINESS FLIGHT

CRESSIDA BONAS

CRISTINA

MOMMY ELVIE

NEW YORK TIMES

PRINCE HARRY

SIYA

VENUS RAJ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with