^

Pang Movies

Serye nanganganib titigbakin dahil sa pakipot na young actress

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Madidiskaril pa yata ang directorial career ng isa naming kakilala. Pangarap pa naman niyang magtuluy-tuloy ang career sa TV nang bigyan ng break sa isang drama series.

Eh, ang problema, mukhang tagilid na ang series na dinidirek niya kung totoo ang balitang nasagap namin. Nasa stage na raw ang program na ayaw humataw sa ratings kaya ang desisyon na lang ng top management ang hinihintay kung sisibakin na ang serye.

Feeling namin, wala naman sa director ang problema ng soap. May kinalaman din marahil ang bidang babae na hindi kinakagat ang role ng isang inosenteng babae, huh!  May edad  na naman ang young actress so tinodo na sana ang pagpapaseksi upang mapukaw ang pansin ng mga lalaki, huh!

Wala na dapat arte-arte pa!

Sam YG pina-praktis ang ‘zero-sex for forty days’ taun-taon!

Ash Wednesday kahapon at kapag dumarating ang nasabing okasyon, ang DJ-host na si Sam YG or Shivaker ang aming naaalala. Hindi man siya Pinoy, pero may panata siyang ginagawa tuwing Ash Wednesday – walang sex o self service!

Saka lang nakikipag-sex si Sam kapag Easter Sunday na. Sa unang mga panata, na­kapag­timpi si Sam nang walang babae at self-service na ligaya. Pero nitong mga huling panata niya, hindi na niya kinaya at nagpapasabog na siya!

Eh sa mga showbiz personalities, tanging si Daiana Menezes ang naugnay sa kanya. Nag­ing item din sila sa mga showbiz columns. Pero retire na raw sa showbiz ang Brazilian model ayon sa tweet niya.

Eh ‘pag natutukso si Sam sa Eat Bulaga sa mga contestant sa My Foreignay na Brazi­lians, lagi niyang sinasabi na, “Tapos na ako sa Brazilians! Ha! Ha! Ha!”

Sa mga artista na­ting lalaki, kaya ba nilang gayahin ang panata ni Sam na walang sex for forty days – from Ash Wednesday until Black Sa­tur­day? He! He! He!

Louise pinagsabihan ni Marian

Pinangaralan ni Marian Rivera si Loui­se delos Reyes tungkol sa acting ng huli sa teaser ng sirena-serye niyang Kambal Sirena na mapapanood na sa Marso 10.

Ayon kay Louise sa press launch ng pinakamalaki niyang project, nilapitan niya si Ma­rian nang mag-guest ang huli sa Sunday All Stars.

“Pinagalitan niya ako! Ha! Ha! Ha! Wala raw difference ‘yung dalawang characters ko sa teaser na ‘yon. Sabi sa akin ni Miss Ma­rian, kailangan pati tawa nila dapat magkaiba. Tapos binigyan din niya ako ng tips. Gawin ko raw ang lahat at ibigay para wala akong regrets.

“Naisip ko rin po, kung nakaya niya noon, dapat kayanin ko rin ngayon!

“Saka palagi siyang nandiyan para sa akin. Siya na ‘yung nagsisilbing ate ko dito sa industriya talaga na nilalapitan ko! Naging baby na niya kami ni Alden (Richards) kahit noon pa.

“Alisin ko raw ‘yung restrictions. Huwag kong papansinin ‘yung nagkukumpara. Huwag akong panghinaan ng loob! Kasi ‘pag pinanghinaan ako ng loob, matatalo lang ako!” pahayag ni Louise.

 

vuukle comment

ASH WEDNESDAY

BLACK SA

DAIANA MENEZES

EASTER SUNDAY

EAT BULAGA

HUWAG

KAMBAL SIRENA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with