^

Pang Movies

Louise delos Reyes mukhang sariwa!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bagay na maging sirena si Louise delos Reyes. Kung titingnan mo kasi siya, bata pa, maganda, malinis pa ang image. Para bang iyong mga sirena sa fairy tales. Kaya palagay namin, ang magiging audience ng kanyang seryeng Kambal Sirena ay mga traditional sirena at fairy tale lo­vers.

May advantages din kasi siyang iba. Una, original story ang kanyang serye. Siguro naroroon pa rin iyong traces ng magic at old beliefs, dahil bakit ba naman magkakaroon ng anak ang isang tao sa isang sirena? O itatanong ninyo, may nakakita na ba talaga ng isang sirena? 

Ang isa pang sinasabi ng mga “sirena audience” talaga, iyong failure ng ibang mga gumawa ng pelikula at seryeng sirena ay dahil sa katotohanan na para bang ginawa nilang sexy iyong mga sirena.

Kung matatandaan ninyo, iyong ibang lu­mabas na sirena ay nagpa-sexy muna sa iba nilang projects, kaya ang tingin ng iba sexy rin ang sirena. 

Kung babalikan natin ang hitsura ng mga lumabas na sirena sa pelikula, na sini­mulan ni Edna Luna noong 1953 at Eva Montes noong 1964, na pareho naming na­pa­nood sa video, siguro ang conside­rations nang piliin sila ay iyong “virginal beauty”, kasi sa mga alamat, magaganda ang sirena.

Ginawa iyan ni Vilma Santos noong 1973, at ni Alma Moreno noong 1978, at ganoon din ang naging batayan. Kahit na nga ang dating aktres at producer na si Mina Aragon ay lumabas ding isang sirena sa pelikula, at iisa nga ang masasabi mong batayan sa pamimili sa kanila, ang mga mukha nila ay parang birhen. Iyan din ang nakita namin noong isang gabi kay Louise delos Reyes, kaya naniniwala kami na magki-click siya bilang isang sirena. 

Ang isa pang advantage na nakita namin ay iyong kanilang opticals sa nasabing ser­ye. Diyan naman magaling ang Channel 7 eh, sa opticals. Hindi ba talaga namang sila ang gumamit ng mga modernong CGI simu­la pa noong panahon ng Mulawin, Eng­kantadia at iba pa? Iyong ganoong ma­linis na computer generated image ang nakita namin.                

Kuya Germs nagsalita na sa pagli-live in raw nina Jake and Bea

Nakita rin namin si Kuya Germs sa press con­ference ng Kambal Sirena. Nasita tuloy kaming matagal nang hindi dumadalaw sa kanyang show na Walang Tu­lu­gan. Inaamin naman namin, antukin na kami ngayon. Hindi na namin kaya iyong taping hanggang mada­ling araw.

Anyway, may issue si Kuya Germs. Hindi raw totoo ang tsismis na nakikipag-live in na ang kanyang talent na si Jake Vargas sa ka-love team na si Bea Binene, although inamin niya na talagang on sa tunay na buhay ang dalawa.

Bakit, sino ba naman ang nagsasabing nagli-live in na iyang mga batang iyan?

Dating sexy star may pasabog!

May malaking tsismis na namang ikinakalat ang isang dating sikat na sexy star, at mukha ngang malaking issue iyon kung totoo. Kaya lang alam naman natin na sinasabi niya iyon dahil sa suspetsang ang itsi­nitsismis niya ang siya namang may kagagawan ng tsismis tungkol sa kanya. Parang gantihan lang. Pero gusto na­ming alamin kung totoo ang tsismis niya. 

 

vuukle comment

ALMA MORENO

BEA BINENE

IYONG

KAMBAL SIRENA

KUYA GERMS

SHY

SIRENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with