^

Pang Movies

Vhong paulit-ulit ang pagso-sorry sa GF, nangakong magiging faithful na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Na-delay ang interbyu namin kahapon ni Papa Ricky Lo kay Vhong Navarro dahil nanggaling pa siya sa Department of Justice.

Nagpang-abot pa kami ni Mama Korina Sanchez sa lugar ng interbyuhan dahil may schedule din siya.

Hindi lamang si Mama Koring ang dumating dahil nagpang-abot din sila nina Ted Failon at Julius Babao.

Nag-check out na kahapon si Vhong mula sa ospital.

Gulat na gulat si Vhong nang lumabas siya dahil sa dami ng mga tao na sumalubong sa kanya.

Ang sey ni Vhong, lalong lumakas ang loob niya na ipaglaban ang katotohanan dahil sa suporta na ipinakita ng mga tao.

Hindi napigilan ni Vhong ang mapaluha nang pasalamatan niya ang mga tao na sumusuporta sa kan­ya.

Paulit-ulit din na nag-sorry si Vhong sa kanyang girlfriend at nag-promise na magiging faithful na siya.

Kasama ni Vhong sa interbyu ang  kanyang dyowa na hindi ko na papangalanan para maprotektahan ang privacy niya. 

Umapir din sa interbyu kay Vhong si Mother Lily Monteverde at ang anak nito na si Roselle.

Halos maluha si Mother nang magkita sila ni Vhong. Nagbiro naman si Chito Roño na papipirmahin na ni Mother ng 4-picture contract si Vhong.

Walang message si Vhong para kina Deniece Cornejo at Cedric Lee.

Sariwa pa kay Vhong ang nangyari kaya hindi pa madali sa kanya ang magpatawad.

Natawa si Vhong nang sabihin ko na umiwas na siya sa mga babae na humihingi ng “foods”!

vuukle comment

CEDRIC LEE

CHITO RO

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JULIUS BABAO

MAMA KORINA SANCHEZ

MAMA KORING

MOTHER LILY MONTEVERDE

PAPA RICKY LO

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with