^

Pang Movies

Robin feel na feel ang pagiging baby kay Mariel

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nagsilbing challenge kay Mariel Rodriguez ang pag-arte at makasama sa pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina, at mga Anak dahil puro magagaling ang Padilla clan sa pamumuno ng asawang si Robin. Isa pa, ang karakter na ginampanan nito bilang ina ng siyam na anak ay mahirap para sa kanya dahil wala pa naman siyang anak sa tunay na buhay. Kahit may anak si Robin hindi naman niya ito inaalagaan dahil may ina naman sila.

Hindi pa handang magka-baby si Mariel at ini-enjoy pa nila ng asawa ang kanilang pagsasama.

Sabi nga ni Robin ‘‘Ako ang baby ni Mariel at natutuwa ako dahil mayroong nag-aalaga sa akin.’’

Pareho silang mahilig mag-travel. Katunayan magbabakasyon sila sa Sweden ngayong Pebrero. Kung may anak sila ay mahihirapan nilang gawin ito.

Samantala, saludo si Robin sa pamangking si Daniel dahil nagagawa nito ang gusto niya bilang artista, singer, concert artist, at ngayon naman sa aksyon movie. 

Laking pasasalamat ni Robin kay Daniel dahil tinanggap agad ang proyekto at ayaw tumanggap ng TF. Pero pinagpilitan niyang bayaran ang Teen King.

Nag-enjoy si Daniel dahil nakasama ang amang si Rommel Padilla at mga half brothers na sina RJ at Matt Padilla kung saan nagkaroon sila ng bonding sa set.

vuukle comment

ANAK

DAHIL

INA

ISA

KAHIT

MARIEL

MATT PADILLA

ROMMEL PADILLA

SA NGALAN

TEEN KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with