^

Pang Movies

Eugene can afford magpahinga dahil sa milyones na kinita sa TV ad

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May karapatan si Eugene Domingo na magbawas ng trabaho ngayong 2014 dahil milyones ang kinita niya sa isang TV commercial.

Kung mapapansin ninyo, kaliwa’t kanan ang product endorsement ni Eugene para sa isang kompanya. Ang ibig sabihin, bongga ang kanyang ta­lent fee kaya can afford na si Eugene na magpahinga at magbakasyon sa lahat ng mga lugar na type niya na puntahan.

 Love life na lang talaga ang kulang kay Eugene dahil stable na ang takbo ng kanyang showbiz career. Sino kaya ang mapalad na mhin na makakasungkit sa matamis na oo ni Eugene. O baka naman, intimidated sila na ligawan si Eugene dahil malakas ang dating nito?

Cloie panay ang party, target na TV commercial wala pa ni isa

Pabalik-balik ng Pilipinas si Cloie Syquia at palaging nakikita sa mga party kaya may mga nagtatanong kung papasukin ba niya ang showbiz o magiging party girl na lang siya?

Hindi ko knows ang tumpak na kasagutan dahil nang makausap ko noon si Cloie at ang kanyang madir na si Jenny Syquia, magkaroon ng mga TV commercial at product endorsement ang gusto nila.

Eh wala pa tayong napapanood na mga TV ad ni Cloie. May mga nagsasabi nga na mas mabuti pa yata na mag-join na lang siya sa mga beauty contest dahil baka nandito ang kanyang suwerte. Para makasali si Cloie sa mga beauty pageant, kailangan niya na manirahan ng isang taon sa Pilipinas or else baka ma-dethrone lamang siya tulad ng nangyari noon kay Anjanette Abayari na ex-girlfriend ng kanyang tatay na si Gabby Concepcion.

Sa pagkaakaalam ko, Swedish citizen si Cloie dahil inampon na siya ng kanyang stepfather na si Filip pero may Pinoy blood siya dahil Pinoy na Pinoy si Gabby at may dugong Pilipino rin si Jenny.

Controversial na direktor pinagkatiwalaan ng TV5

Natuwa naman ako dahil busy na uli si Jay Altajeros, ang direktor ng Obsession ng TV5. Kilala ko si Jay dahil magkasama kami sa Oasis of Love noong 1994. Umakyat pa kami sa Baguio City para sa aming Life in the Spirit seminar.

Naging kontrobersiyal si Jay nang magkaroon sila ng isyu ni Mike Tan. Pansamantalang nag-lie low si Jay dahil sa isyu na siguradong ayaw na niya na maalaala pa. Siya ang pinagkatiwalaan ng TV5 para mamahala sa Obsession.

Hindi na malungkot si Jay dahil active na uli siya sa paggawa ng mga teleserye at nakahanap siya ng magmamahal sa kanya. Isang chef ang current inspiration ni Jay.

Nakakundisyon na tuwing Linggo para sa Startalk

Nakakundisyon na ang isip ko na tuwing Linggo na ang Startalk at every Saturday na ang rest day ko.

Mapipilitan na akong lumabas ng bahay tuwing Linggo para sa Startalk at magiging Sabado na ang day off ng driver ko. Puwede ko nang puntahan ang mga presscon tuwing Sabado, pati na ang mga birthday party.

Sandy nagdiwang ng 55th birthday

Na-miss ko nga pala ang birthday party ni Sandy Andolong sa Wine Museum noong Sabado. Puwede akong mag-drop by sa 55th birthday celebration ni Sandy pero baka magtampo naman sina Lorna Tolentino at Amy Austria dahil hindi ko napuntahan ang mga imbitasyon nila para sa kanilang mga birthday at wedding anniversary dinner. Alam n’yo naman na pantay-pantay ang trato ko sa mga alaga ko.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

ANJANETTE ABAYARI

CLOIE

DAHIL

LINGGO

PINOY

SABADO

SIYA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with