^

Pang Movies

Mga young star na madaling nag-feeling sikat, mas mabuting mag-aral na lang

Pang-masa

’Yung mga young star na nababalitang lumalaki ang ulo, tigilan n’yo ’yan. Kung hindi makatagal sa showbiz, mag-quit na lang at bumalik sa pag-aaral. At least, magkakaroon pa kayo ng college diploma. Wala na ngang gumagawa ng pelikula nagmamaldita pa kayo.

Tigilan na rin kasi ang sobrang papuri sa mga artista, nagiging monster kasi ang mga celebrity. Akala kasi nila magagaling na silang umarte.

Jessica nag-enjoy sa restaurant sa Luneta

Nakapag-relax pala si Jessica Sanchez noong hu­ling dalawang araw niya sa bansa. At nang magtanong daw si Jessica kung saan ba maganda mag-relax bago bumalik ng America, alam n’yo ba kung saan siya napadpad? Sa Mabuhay Resto na malapit lang sa Luneta sila nagpunta at doon nag-enjoy sa mga pagkaing Pilipino.

Mahilig pala sa sinigang at crispy pata ang American Idol runner-up. Nag-request pang kung puwede raw siyang mag-uwi ng ulam na nakalagay sa biniyak na buko. At nag-enjoy din sa mga kantang Filipino na inawit ng mga performer doon. Nagpaturo pa  ang ipinagmamalaking singer ng Bataan  ng tinikling.

Maganda talaga ang Pilipinas, Jessica!

Aimee Torres nawala ang inaasahang bagong record deal

Ano na bang nangyari sa pop singer na si Aimee Torres? Bakit sa kabila ng libu-libong nag-appreciate ng awiting Pusong Bato ay biglang hindi na siya na­ririnig ngayon? Akala ng marami may bagong record na siyang inihahanda ng Star Records?

Well, kung minsan dapat ay sariling sikap din ang kailangan. Kesa naman umaasa sa wala naman. Sabi nga, help yourself, Aimee.                 (VIR GONZALES)

vuukle comment

AIMEE TORRES

AMERICAN IDOL

JESSICA

JESSICA SANCHEZ

LUNETA

PUSONG BATO

SA MABUHAY RESTO

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with