^

Pang Movies

Bagong ‘bayani’

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kahit saang sector, hindi lang sa showbiz, kung minsan kung sino pa ang nakasakit o naging violent dala ng ispiritu ng alak, sila pa ang lumalabas na ‘‘bayani,’’ “inapi!”

Tingnan natin si Anne Curtis na sumampal kay John Lloyd Cruz na mukhang siya pa ang naagrabiyado sa rami ng mga nagtatanggol sa kanya sa TV, radio, at mga column item sa mga diyaryo!

Ang gusto pa yatang palabasin ng iba ay si John Lloyd at mga kasama ang may kasalanan, kahit umamin na sa kanyang ginawa si Anne. Ang buong pangyayari ay hindi naman po anunsyo ng isang ginebra, rhum, o beer!

Lino Cayetano ikakasal na sa volleyball player

Malapit nang ikasal ang director turned politician na si Lino Cayetano kay Fille Cainglet, ang magandang volleyball star.

Sa rami ng mga artistang na-link kay Lino, brother nina Allan Peter at Pia, sa isang atleta siya magpapakasal. Kung natandaan pa ninyo, una siyang naging close kay KC Concepcion, nang madirek niya sa isang commercial.

Agot nag-obserba sa mga may tama sa utak

Well attended ang premiere screening ng Anino ng Kahapon ni Alvin Yapan sa Greenbelt Cinema. Dumalo sa pagpapalabas ng New Wave section entry to the 2013 Metro Manila Film Festival ang mga lead star na sina Agot Isidro, Carl Acosta, Jay Gonzaga, at Carlo Cruz.

Ang pelikula ay gustong dagdagan ang ating kaalaman tungkol sa schizophrenia o sakit sa utak na split personality. Wala sa mga nanood si Baron Geisler.

Nagmasid pa ng mga taong may ganitong sakit sa loob ng National Center for Mental Health si Agot Isidro upang paghandaan ang kanyang role.

Playlist ni Lea nire-request na ulitin

Marami ang humihiling na magkaroon ng repeat show ang Playlist ni Lea Salonga sa PICC Plenary Hall last Friday and Saturday kahit full-packed ang show.

Guests niya sina Rachelle Ann Go at Mitoy Yonting, with the surprise performer AiAi delas Alas, with whom Lea performed Isang Linggong Pag-ibig and Halik ng Aegis.

Top designers  halos P1M ang ibibigay sa typhoon victims

Nakalikom ng P1 million ang fashion show na Filipinos for Filipinos na kasali ang 100 top Pinoy designers, at ibibigay lahat sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Merong mga ‘‘supladang’’ couturier na nag-ambag ng kanilang mga damit at lahat sila mabuting ma-kisama sa isa’t isa para maging successful ang charity event, with beauty queens, actress, and top models.

Nagkaroon naman muli ng fund-raising show ang ABS-CBN artists for the typhoon victims.

Marian tuluy-tuloy ang kawanggawa

Isang kakaibang project, Kapuso Adopt-A-Bangka, ang inilunsad ni Marian Rivera, kasama ang da-lawa pang taga-GMA. Magbibigay sila ng mga motorized bangka sa deserving families sa Kabisayaan upang makatulong sa kabuhayan.

‘‘Nakalikom na ako ng halos sampu sa ngayon at personal kong ibibigay ito sa mga pamilyang nararapat tulungan,’’ pahayag ni Marian.

Gagawing tuluy-tuloy ang proyektong bangka dahil magagamit ito ng mga biktima sa kanilang hanapbuhay — pamamakyaw ng mga paninda, pangingisda, o pagde-deliver ng goods na ibebenta nila roon.

Naging simple ang Christmas party for her friends in the press para makadagdag sa perang ipagpapagawa ng mga bangka. Pakiramdam namin may naiambag kami sa kapuri-puring Adopt-A-Bangka project nila Marian Rivera.

Pinoy Christmas shows hanggang sa ibang bansa lumilikom ng pondo para sa Kabiyasaan

Pati ang mga nakalinyang Christmas concert ng top singers, lilikom din ng para sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda. Hindi kasi maaaring tumigil na ang tulong o pagbibigay ng relief goods sa karamihan sa kanila.

Narinig namin na pati ang Christmas show ng mga Pinoy artist sa Holy Land this season ay isang fund-raiser na rin.

Kaya magpapatuloy pa ang paghahatid ng tulong sa Tacloban, Ormoc, Samar, Cebu, at ibang parte ng Kabisayaan.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALLAN PETER

ALVIN YAPAN

ANNE CURTIS

LINO CAYETANO

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with