^

Pang Movies

Angel walang kamalay-malay sa relasyon nina KC at Phil

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Labis na magdaramdam si Angel Locsin kapag napatunayang totoo ang kumakalat na usapang nagkaroon ng relasyon sina Phil Younghusband at KC Concepcion.

Sa ngayon Angel is giving rumor the benefit of the doubt. Alam kasi niya sa showbiz, mabilis kumalat ang mga maling balita. Pero inaamin niya na magiging napakasakit nito (Kuya Eddie) kapag lumitaw na may katotohanan!

Ang katuwiran ng aktres, sobrang maaga pa ang relasyon dahil bago pa ang kanilang paghihiwalay ng football star.

Bakit ba ang maraming kapwa mo artista, kapag naghiwalay na, wala na talagang pakialam?

Dating dance master binalikan ang dating ginagawa

Kinumbida kami ng RPN-9 president na si da­ting Press Undersecretary Robert Rivera sa kanilang Christmas party. Punung-puno ang venue at siyempre nandoon ang owner ng Solar Entertainment na si Wilson Tieng.

Ang unang nag-entertain sa amin ay ang pretty and talented wife ni Robert na si Elyza at kilala na bilang aktres sa mga teledrama. Nandoon din ang kanilang anak na si Constantine, who is barely in his teens, and has already written a book when he was 12.

Bukod sa matalino, mahusay kumanta, at magsa­yaw si Constantine. Manang-mana sa kanyang tatay na during his heydays introduced the L.A. Walk, salsa, and other dance steps in the country.

Also a consistent scholar, Robert graduated vale­dic­torian when he took a special course in financing at Harvard University.

Sinorpresa kami ng dating dance master sa kan­yang pagsayaw with dance diva Regine Tolentino. Walang kupas si Robert at nandoon pa rin ang natural flair at husay sa pagsasayaw during the party’s short program.

Showbiz personality nadaan sa bola ang milyones na komisyon, nabentang lupa sobra ang padding!

Milyones pala ang nakupit ng isang artistang mahusay mambola sa kaibigan niyang mayamang artista na bumili ng isang prized property.

Tiwalang-tiwala sa kanya ang controversial at mayamang kaibigan kaya’t hindi man lang napansin ang malaking padding sa deal. Basta’t natuwa siya at pag-aari na ang choice lot kaya nagkabayaran na, nakuha na ng nanlinlang na kaibigan ang kanyang komisyon.

Mukhang hindi naman pinagsisihan ito nang bumili dahil sobrang dami ng kanyang salapi.

Boots inspirasyon ng mga senior citizen na gusto pang ma-inlove

Lahat ng dumalo sa engagement party ni Boots Anson-Roa with lawyer Francisco “King” Rodrigo, Jr. ay masayang-masaya para sa well-loved and respected showbiz pillar.

Kaya kayong mga senior citizen na ang akala ay hindi na muling titibok ang inyong puso at liligaya pa, magandang inspirasyon si Boots.

Misis ni Ka Freddie ayaw tumigil sa pagtalak

Isang payo sa pinakasalang 17-year-old girl ni Ka Freddie Aguilar. Manahimik ka na ngayong kasal na kayo. Isara mo na ang bibig mo at tigilan ang kadadaldal. Baka kung ano pa ang masabi mo at mapahamak ang iyong tulirong mister.

Atupagin mo na lang ang paggawa ng baby para kumpleto na ang pamilya ninyo.

Anak ni Willie Nep, reyna na ng pork barrel

Ang anak ni Willie Nepomuceno na si Frida Nep ang gaganap na Pork Barrel Queen sa kanilang A Comic Relief Show at the Music Museum on Dec. 14, for the benefit of Yolanda victims.

Tickets are now available. Call 0917-8377098 for details.

Galing ng Ilo-Ilo napapanood na

Palabas na sa mga sinehan sa bansa ang Ilo-ilo, ang multi-award-winning first film ng Singaporean director na si Anthony Chen. Makikita na natin kung bakit nagwagi ito ng mga parangal sa iba’t ibang international film festival.

Siyempre gusto nating mapanood ang mahusay na pagganap ng Pinay na si Angeli Bayani, na gumanap na yaya ng tatlong magkakapatid na Singaporean, kasama si Anthony.

Isang magandang dahilan para lumabas ng bahay ang Ilo-ilo na nagtampok sa katapatan sa pagli­lingkod nating mga Pinoy.

 

vuukle comment

A COMIC RELIEF SHOW

ANGEL LOCSIN

ANGELI BAYANI

ANTHONY CHEN

BOOTS ANSON-ROA

CONSTANTINE

FRIDA NEP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with