^

Pang Movies

Heart ibinuyangyang ang boobs, viewers naeskandalo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naeskandalo ang viewers kahapon ng Startalk dahil sa sexy outfit ni Heart Evangelista. Naka­bu­yangyang ang dibdib ni Heart pero hindi naman bastusin ang kanyang damit.

Marunong ang direktor ng Star­talk. Sinadya niya na huwag i-close up ang upper part ng katawan ni Heart or else, mas marami ang maeeskandalo at maloloka.

Aktor balik sa pagdo-droga, kung anik-anik ang sinabi sa interview

Shocked ang mga reporter na nag-interbyu sa isang aktor dahil kung anik-anik ang mga sinasabi nito.

Malakas ang kutob ng mga reporter na gumagamit uli ng ipinagbabawal na gamot ang aktor na maraming beses nang nabigyan ng pagkakataon na makabalik sa showbiz.

Mabait ang aktor kaya nanghihinayang sa kanya ang mga reporter, sampu ng pamilya at mga kaibigan niya. Wish ko lang, magbago na ang aktor dahil sayang na sayang siya at habang hindi pa huli ang lahat.

Relasyon ni Keanna sa mas bata, hindi na big deal

Hindi naman big deal ang pagkakaroon ni Keanna Reeves ng boyfriend na mas bata pa sa kanyang panganay na anak.

Wala pa ring tatalo sa relasyon ni Freddie Aguilar at ng kanyang 16-year-old wife. Hindi katulad ng boyfriend ni Keanna na nasa legal age na dahil 20 years old na.

Nagpainterbyu ang sexy actress at ang kanyang boyfriend na si Kevin sa Startalk. In love na in love ang bagets sa sexy star na halos nanay na niya. Mukhang happy naman siya sa kanilang May-December affair.

Tatlong beses na pinahalikan ni Papa Joey de Leon kay Kevin si Keanna bilang pruweba na hindi gimik ang kanilang relasyon.

Ayaw sabihin ni Keanna ang tunay na edad. Sa tingin ng fans, mahigit sa 20 years ang agwat ng edad ng aktres sa kanyang bagets na boyfriend.

Ayaw tawagin ni Keana na live-in na sila ng kanyang boyfriend. Itinatanong pa niya kung live-in daw ang tawag sa relasyon nila.

Eh ang sabi ni Kevin, Lunes hanggang Friday, magkasama sila ni Keanna at umuuwi siya sa bahay nila sa Pampanga tuwing weekend. Hindi pa ba live-in ang tawag doon?                                               

In fairness sa bagets boyfriend ni Keanna, nasasaktan siya kapag sinasabihan na ginagamit lamang niya ang kanyang girlfriend.

Sa national TV, sinabi ni Kevin na mahal na mahal niya si Keanna na sinagot nito ng “Kapag wala na akong pera, mahal mo pa ba ako?”

O ’di ba, nakakaloka si Keana na sumusumpa na hindi siya nagbibigay ng datung sa kanyang dyowa? Jobless ang boyfriend ni Keana. Nakiki-join lang siya sa mga lakad ni Keanna na may kinalaman sa construction ang bagong business.

Aktres napagkamalang bading sa airport

Napagkamalan na bading sa international airport ng isang Asian country ang aktres na hindi na active sa showbiz.

Napahiya ang mhin na nag-akala na bading ang aktres dahil ipinaliwanag sa kanya na babae at da­ting sexy star ang na-sight niya na personalidad.

Magandang-maganda ang aktres noong kabataan niya at talagang pinagpapantasyahan siya ng mga kalalakihan. Kung sakaling napagkakamalan na bading ang aktres, siya rin ang dapat sisihin dahil naging hobby na niya ang pagpaparetoke ng mukha.

vuukle comment

AYAW

KANYANG

KEANA

KEANNA

KEVIN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with