^

Pang Movies

Kapit ba sa patalim kaya magulang pumayag na rin? GF ni Freddie Aguilar kabilang sa pinakamahihirap sa Mindoro, pamilya ng disisais anyos umaasa sa buwanang su

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Mula sa Department of Social Welfare and Deve­lop­­ment, kabilang sa ‘‘poorest of the poor’’ ang pa­mil­ya ng girlfriend ni Freddie Aguilar sa Oriental Mindoro. Tumatanggap pa hanggang ngayon ang family ng me­nor de edad ng 4Ps (Pantawid Pampamilya Pilipino Program) mula sa nasabing sangay ng gob­yerno.

Ibig sabihin ba nito, kapit sa patalim ang family ng girl, who will be 17 years old next month, kaya okay lang sa kanilang anak ang pagpatol sa senior citizen na si Freddie Aguillar? Mula pa rin sa mga social worker, walang dahilan upang itigil nila ang buwanang sustento sa pamilya through the 4Ps.

Sexy starlet kibit-balikat lang sa bilyonaryong ama ng mga anak, nagtitiis maglabada sa probinsiya

Sa tuwing naririnig ng dating sexy starlet na bilyonaryo na ang kanyang naka-live-in partner, nagkikibit lang ng balikat ang artista. Nasa malayong probinsiya na sila ng mga anak niya sa super rich celebrity.

As a single mom, mag-isa niyang itinaguyod ang dalawang anak sa pagtitinda ng mga kakanin at paglalabada. Kahit konting tulong, hindi sila napadalhan ng tunay na ama ng mga bata!

Enchong hindi kilala ang itinuturong ka-‘sex video’

Nagmula mismo kay Enchong Dee ang denial na lumabas siya sa isang sex video with Peruvian/Japanese model Sebastian Castro.

Hindi matandaan ng aktor ang gumawa ng isang bagay, na pagkatapos ay pinagsisihan niya.

Mahigit dalawang linggo nang kumalat ang 10-minute, M2M video, na noon pa mang namamasyal sina Echong and family sa China and Mongolia ay na-deny na niya sa Twitter. Dagdag pa ng aktor, hindi niya kakilala si Castro.

Male starlet ikinalat ang sariling sex video na nagsasariling sikap makakuha lang ng mayayamang parokyano

Meron namang male starlet na siya mismo ang nagkalat ng sariling sex video na nagsasariling sikap. Gusto kasi niyang dumami ang parokyano niyang mayayamang bading at medyo tumaas ang kanyang talent fee for the intimate service.

Teng Brothers nagmukhang K-Pop duo

Noong una naming napanood sa TV ang Teng Brothers, ang aming akala ay K-Pop duo. Hindi kasi kami mahilig manood ng basketball games sa TV. Ngayon artista na ang isa sa isang teleserye.

Another potential actor is Pinoy tennis star Treat Huey, na ngayon ay umabot uli sa doubles finals with his British partner Dominic Inglot sa Swiss Indoors Tennis Championship. Kapag nagwagi ang pareha, si Huey ang magiging unang kababayan na mananalo ng isang international tennis championship.

Kapag nakamit ng tandem ang title, tiyak na higit na tataas ang asking talent fee ni Treat kung papasok sa showbiz.

Pacman inaalaska sa pagsasalita ni Rios

Galit na galit ang trainer ni Manny Pacquiao kay Brandon Rios na kalaban ni Pacman sa Macau on Nov. 24. Ginagaya kasi ni Rios ang pagsasalita ng congressman from Sarangani.

Ngayon pa lang tinitiyak ni Freddie Roach na mana-knockout ni Pacman ang Mexican boxer. Kapag nanalo si Pacman, puwede niyang harapin uli si Manuel Marquez, sa isang return bout.

Artista Academy II hindi pa kailangan, stars hindi pa sumisikat!

Sana ipagpaliban muna ng TV5 ang simula ng bagong season ng Artista Academy, na hindi naman gaanong successful, kung rating ang batayan. Mga Kapatid insider mismo ang nagbulong sa amin na sobra ang ginasta ng network sa pagbili pa lang ng concept ng show kay Wilma Galvante. Idag­dag pa rito ang bayad sa school na itinayo ng dating GMA 7 executive kaya’t panalo talaga siya.

Sana sumikat muna ng husto ang mga produkto ng talent search. Sa ngayon ay naaalala pa ng viewers ang mga pangalang Akihiro Blanco at Vin Abre­nica.

Meron namang mga nagtatanong ng pangalan ng mga female finalist! Sino na nga ba sila?

Kapag nagkaroon ng mga bagong contestant sa susunod na season show, lalong mahihirapang sumikat ang mga unang nagwagi sa talent search.

vuukle comment

ARTISTA ACADEMY

KAPAG

PACMAN

SHY

TENG BROTHERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with