^

Pang Movies

Aktor na committed na, nade-develop na sa leading lady!

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Gaano kaya katotoo ang nasagap naming ba­lita na ang guwapo at mestisong aktor ay nai-inlove sa kanyang leading lady sa isang sikat na teleserye.

Taken na ang aktor at balitang ang nobya nito ay naging kasamahan sa isang reality show. Balitang gandang-ganda ang aktor sa kanyang leading lady na may nobyo na ring aktor.

Pero hindi pa naman sila pareho kasal ayon sa aking source. Malay natin baka ma-develop din si aktres laluna na ngayong magsasama sila sa mga shows sa Amerika.

Posibleng may mabuong relasyon ang da­lawa laluna at maraming nagsasa­bing bagay na bagay sila.

Tom nanghinayang sa kissing scene

Masayang-malungkot si Tom Rodriguez dahil matatapos na ang teleseryeng My Husband’s Lover. Masaya dahil umingay at gumanda ang kanyang career   sa mapangahas na serye. Dumami ang kanyang proejects, gumanda ang TF at naging endorser ng iba’t ibang produkto.

Nalulungkot siya dahil sa nabuong pagkakaibigan nila ng mga kasama na sina Dennis Trillo at Carla Abellana.

Inamin ni Tom na nanghihinayang siya dahil hindi  natuloy ang inaabangang kissing scene nila ni Dennis sa pagtatapos ng MHL.

Kahit sa concert ng serye ay walang nangyaring kissing scene dahil ipalalabas ito sa TV ng GMA 7.

Dennis reporter naman

Isang reporter si Dennis Trillo sa indie film na Sapi sa direksiyon ni Brillante­ Mendoza. Isinali ang pelikula sa iba’t ibang film festival sa abroad na umani ng papuri.

Kabilang dito ang Busan, Sitges, Rio de Janeiro, Toronto, at Asia Pacific International Film Festival.

Kasama ni Dennis sina Meryl Soriano at Baron Geisler sa Sapi at prodyus ng Centerstage Productions at released ng Solar Entertainment Corporation.

 

vuukle comment

ASIA PACIFIC INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

BARON GEISLER

CARLA ABELLANA

CENTERSTAGE PRODUCTIONS

DENNIS TRILLO

MERYL SORIANO

MY HUSBAND

SAPI

SOLAR ENTERTAINMENT CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with